Ang sikreto ng magsasaka
TAUN-TAON, nagdiriwang ang isang bayan ng Corn Festival kung saan laging tinatanghal na first prize sa loob ng limang taon ang inaaning mais ng magsasakang si Mang Ferdi. Ininterbyu ng local broadcaster si Mang Ferdi.
Ano po ang sikreto mo sa success ng iyong corn farming?
Namimigay ako sa aking mga kabarangay ng magandang uri ng butil ng mais na mainam nilang itanim.
Bakit po? Di ba’t sumasali rin ang iyong mga kabarangay sa Agro Trade Fair? Hindi ka po ba natatakot na baka matalo?
Alam mo, kailangan kong ibahagi sa kanila ang itinatanim kong mataas na uri ng butil ng mais. Ang pollen ng mais ay dinadala ng hangin sa iba’t ibang lugar kaya nagkakahalo-halo ang pollen mula sa iba’t ibang taniman. Ito ang tinatawag na cross-pollination.
Kung mababang uri ng mais ang itatanim ng mga kabarangay ko, mahahawahan ang aking tanim kapag nag-cross pollination. Malaki ang peligro na umani ako ng mababang uri ng mais. Nagsi-share ako para masaya kaming lahat sa panahon ng anihan.
“The more we share, the more we have”. -- Leonard Nimoy
- Latest