^

Punto Mo

Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG bahay ampunan na pinatatakbo ng mga madre sa isang probinsiya ang nalubog sa bahang dulot ng typhoon Pedring noong 2011. Awa ng Diyos ay nagdatingan naman ang tulong mula sa gobyerno at mga NGO ngunit ito ay hindi sapat sa rami ng mga bata sa ampunan.

Isa si Mayor sa mga tumutulong sa pangangailangan ng bahay ampunan. Napansin niyang unti-unti nang nauubos ang mga relief goods habang lumilipas ang mga araw. Kinausap ni Mayor ang madreng namamahala ng bahay ampunan.

“Sister, hindi kaila sa iyo na patuloy pa rin ang pananalasa ng bagyo. Ang baha ay hindi pa humuhupa. Ang mabuti siguro ay tipirin natin ang pagbibigay ng pagkain sa mga bata. Sa halip na isang pack na noodles per meal sa bawat bata ay kalahating pack na lang ang ating ibigay per child nang sa ganoon ay tumagal ng isang buwan ang istak nating pagkain. Pakonti-konti lang ang dumarating na tulong. Baka sa susunod na araw ay wala nang dumating.”

“Don’t worry Mayor sa kakaunting relief goods na natatanggap natin. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. ‘Di ba’t kapag tayo ay nagdarasal ng Ama Namin, ang ipinapakiusap natin sa Diyos ay….Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw.  Hindi mo ba napansin Mayor, araw-araw ay may nagbibigay sa atin ng donasyon na kasya lang para sa isang araw na pagkain? Kasi pang-isang  araw lang ang hinihingi natin sa ating panalangin at hindi pang-isang buwan.”

vuukle comment

KAKANIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with