Buti nga, convicted na sila!
HIYAWAN, palakpakan at lundagan sa tuwa ng ibaba ang hatol sa mga napatunayan pumatay regarding sa kaso ng 2009 Ampatuan massacre ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Regional Trial Court Branch 221. Sabi nga, hurrah, hurrah, hurrah! Bhe, buti nga. Hehehe!
Marami ang nanghihinayang at wala pang batas para sa ‘death penalty,’ sana kasama na sila 6th feet below the ground kung nagkataon.
Ang mga guilty beyond reasonable doubt o convicted sina Andal “Unsay” Ampatuan Jr., Zaldy “Puti” Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr., at iba pang mga kasamahan nilang mamamatay tao na nag-massacre sa 57 madlang people kabilang ang mga kawawang mamamahayag.
Halos 10 years para makamit ng mga naulilang pamilya ang hustisiya na iginawad ng Hukom pabor sa mga ito kaya naman malaking pasasalamat nila hatol.
Ang nangyaring pagsubok laban sa mga miyembro ng makapangyarihang Ampatuan clan ay isang manipestasyon ng pampulitikang klima sa Philippines my Philippines. Ika nga, ang culture of impunity patuloy na naghahari. May mga pagbabanta pa rin natatanggap ang mga pamilya ng biktima ng massacre pero sa wakas ay ibinaba na ang hatol sa mga mamamatay tao at iyon.
Convicted sila!
May 761-pahinang promulgation of judgement the other day ang isinagawa sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.Pinatawan ng reclusion pekwa este mali perpetua pala o hanggang 40 taon ng walang pardon o parole sa mga kasong murder ang magkapatid na Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr. at Datu Zaldy “Puti” Ampatuan, gayundin sina Datu Anwar Ampatuan Sr., Datu Anwar “Ipi” Ampatuan Jr., at Datu Anwar Sajid “Ulo” Ampatuan, Manny Ampatuan, Mohades Ampatuan at Misuari Ampatuan. Guilty din sina PInsp Saudi Mokamad, PO1 Jonathan Engid, Abedin Alamada alyas Kumander Bedi, Talembo “Tammy” Masukat, Theng Sali alyas Abdullah Hamad Abdullakahar, Nasser Esmael alyas Nasrudin Esmael, PCInsp Sukarno Dicay, PSupt Abusama Mundas Maguid, PSupt Bahnarin Kamaong, Tato Tampogao, Mohamad Datumanong, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Thong Guiamano, Sonny Pindi, Armando Ambalgan, Kudza Masukat Uguia, Edres Kasan, Zacaria Akil at Samaon Andatuan.Nasa 15 naman ang guilty bilang ‘accessories’ sa krimen at hinatulan ng ‘prision correccional’ o 6 hanggang 10 taong pagkakakulong. Kabilang dito sina PInsp Michael Joy Macaraeg, PO3 Felix Enate, PO3 Abidudin Abdulgani, PO3 Rasid Anton, PO2 Hamad Nana, PO2 Saudi Pasutan, PO2 Saudiar Ulah, PO1 Esprielito Lejarso, PO1 Narkouk Mascud, PO1 Pia Kamidon, PO1 Esmael Guialal, PO1 Arnulfo Soriano, PO1 Herich Amaba, PSupt Abdulgapor Abad at Bong Andal. May 56 akusado ang pinawalang-sala kabilang sina Datu Akmad “Tato” Ampatuan at Datu Sajid Islam Ampatuan. Pinagbabayad din ang mga nahatulang guilty ng milyon-milyong halaga ng danyos sa pamilya ng bawat biktima ng masaker maliban sa photojournalist na si Reynaldo Momay, ang sinasabing ika-58 biktima, makaraang hindi matagpuan ang kanyang bangkay. Sabi nga, corpus delicti ! May 80 suspects pa ang at-large kaya iniutos ni Judge Reyes ang pag-aresto sa mga ito. Sabi nga, kailan pa?Abangan.
- Latest