^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag nang makipag-peace talk kay Joma

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag nang makipag-peace talk kay Joma

NAKAPAGTATAKA kung bakit pabagu-bago ng isip si President Duterte sa pakikipag-peace talk sa Communist Party of the Philippines (CPP) na pinamumunuan ni Jose Ma. Sison. Ilang beses nang sinabi ng Presidente na hindi na siya makikipag-peace talk sa CPP. Pinaghanda na nga niya ang mga sundalo para sa pakikipaglaban sa mga makakaliwa. Iniutos niya sa mga sundalo na linisin ang mga baril para sa pakikipagsagupa. Ngayon, gusto na naman niyang makipag-peace talk.

Noong nakaraang linggo, inatasan ng Presidente si Labor Sec. Silvestre Bello III na magtungo sa Netherlands para kausapin si Joma tungkol sa usapang pang­kapayapaan. Gusto ng Presidente na mag-resume muli ang peace talk pero dito gaganapin sa Pilipinas ang pag-uusap. Pero hindi pa man nauumpisahan ang pag-uusap, may hirit agad si Joma na hindi sa bansa dapat gawin ang peace talk. Kailangan daw ay sa isang neutral na bansa iyon gawin. Dapat din daw na mag-adopt muna ng goodwill measures si Duterte gaya nang pagpapalaya sa political prisoners lalo na ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sa pananalita ni Joma, naroon na agad ang pagkontra. Mayroon agad siyang resbak. Kaya malaki ang posibilidad na walang kahahantungan ang gusto ni Duterte na magkaroon muli ng peace talk. Manindigan na sana ang Presidente na wala nang pakikipag-usap kay Joma.

Maraming beses nang itinakda ang pag-uusap. Noong Hunyo 28, 2018, mag-uusap sana ang gobyerno at CPP sa Oslo, Norway pero kinansela iyon ni Duterte. Rerebyuhin umano niya ang peace accords na naunang pinagkasunduan. Nagalit si Joma sa pagkansela at nagpalitan nang masasakit na salita. Sabi ni Joma, ipawalambisa muna ni Duterte ang Proclamation No. 374 na nagdedeklara sa CPP at NPA na teroristang grupo bago sila mag-usap.

Sa halip na bawiin ang inisyung proklamasyon, sinabihan ni Duterte si Joma na umuwi sa Pilipinas at dito sila mag-usap. Hindi raw siya papayag na sa ibang bansa gawin ang peace talks.

Mahirap nang magkasundo ang gobyerno at CPP ni Joma. Ang dapat gawin ni Duterte, kausapin ang mga lider ng NPA. Kung ang NPA at gobyerno ang magkakaunawaan, out na si Joma. Subukan ito at baka matapos na ang isyu laban sa makakaliwa.

JOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with