^

Punto Mo

Pinakamataas na slam dunk, ginawa mula 13,000 feet ang taas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki ang ginawa ang sinasabing pinakamataas na slam dunk sa buong mundo nang tumalon siya mula sa isang eroplano na 13,000 talampakan ang taas.

Miyembro ng Harlem Globetrotters ang gumawa ng stunt na si Hammer Harrison at makikita sa video na in-upload ng grupo sa YouTube kung paanong nag-skydiving si Harrison sa Arizona bago niya ini-slam dunk ang hawak niyang basketball sa isang rim bago siya naglanding.

Ang stunt ay isinagawa kasabay ng 4th annual World Trick Shot Day kung kailan ipinapamalas ng mga kalahok ang kakaiba nilang mga kakayahan sa basketball.

Ayon sa video ay hindi lamang pinakamataas na slam dunk ang nagawa ni Harrison dahil ang stunt niya ay ang kauna-unahan rin na ginawa kasabay ng skydiving.

SLAM DUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with