^

Punto Mo

Garma, suportado ang PACC probe vs corruption!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SUPORTADO ni Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma ang imbestigation ng Presidential Anti-Corruption Commission laban sa tiwaling opisyales ng PCSO para maparusahan na ang mga ito. Sinabi ni Garma na sa ilalim ng liderato niya, magiging transparent ang lahat ng kilos ng mga opisyales, lalo na sa aspeto ng pag-release ng mga tulong sa mga mahihirap. Sinabi kasi ng PACC na ilalabas na nila ang resulta ng probe nila vs corruption sa PCSO sa darating na Enero at natuwa naman si Garma dahil isang paraan ito para malinis ang kanyang opisina sa corrupt officials. Get’s n’yo mga kosa? Kasi nga ang resulta ng PACC probe ay magkaroon ng linaw kung sino ang may sala at maparusahan ayon sa batas. Araguuyyy! Hak hak hak! May katapusan talaga ang kaligayahan ng mga sugapa sa pitsa sa PCSO, ‘di ba President Digong Sir?

Kung sabagay, hindi naman apektado si Garma kasi nang iutos ni Digong ang PACC probe ay dahil sa reklamong katiwalian sa panahon ni PCSO general manager Alexander Balutan, na pinalitan niya. Sa panahon kasi ni Balutan, sangkaterbang financier ng Small Town Lottery (STL) ay hindi nakabayad ng kanilang tinatawag na Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR) kaya’t nagmukhang may semplang ang Universal Health Care (UHC) program ni Digong. Subalit nang pumasok si Garma sa PCSO, aabot sa P4.8 bilyon ang nasingil niya sa mga abusadong STL operators. Araguuyyy! Sinabi ng mga kosa ko sa PCSO na aabot sa 22 STL operators pa lang ang nasisingil ni Garma niyan kaya hanga sa kanya si Digong. Kaya dito sa anti-corruption probe ng PACC, buong suporta ang ipinaabot ni Garma para malinis ang kanyang opisina ng alingasngas sa corruption at nang sa gayon ay bumalik ang tiwala ng gaming public sa mga palaro nila. At magresulta ito nang marami pang may sakit na mahihirap ang matutulungan ng PCSO. Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Habang hinihintay ng publiko ang resulta ng PACC probe, binuksan naman ng PCSO ang kanilang 68th branch sa Apayao provincial capitol noong Huwebes at tinatantiyang magsisilbi ito sa 119,184 residente ng Clanasan, Conner, Kabugao, Flora, Luna, Pudtol, at Santa Marcela. Tutulong ang Apayao branch sa operation ng 8 lotto outlets, 8 Keno outlets at STL agent na Mountain View Games of Chance Corp. Mula Enero hanggang Oktubre, ang  lotto at Keno outlets sa Apayao ay nakarehistro ng sales na P1,204,960 at P1,081,908. Ang mga opisyales ng PCSO na dumalo sa branch opening ay sina Heherson Pambid, PCSO Cagayan branch manager; Marilyn Marzan ng Cagayan PCSO; Laila Galang, Northern at Central Luzon department manager; Atty. Ma. Teresa Ravelo, Apayao provincial administrator, at Mayor Hector Pascua ng Pudtol. Sinabi ni Garma na ang pagbukas ng Apayao branch ay dahil sa determinasyon, at commitment ng PCSO na ilapit ang kanilang gaming products sa loyal supporters. Siyempre, kasama na rito ang kanilang charitable programs at services sa mga mahihirap. Abangan!

GARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with