^

Punto Mo

Maari bang bawiin ang isang donasyon?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari po bang mabawi ang ari-ariang naibigay na ng aming ama sa kanyang kapatid bilang donasyon? Sa halip po kasi na tumanaw siya ng utang na loob ay inokupa pa niya ang bahagi ng lote ng aming ama na katabi ng lupang ibinigay na nga sa kanya. -- Len

Dear Len,

Maari pang mabawi ang lupang ibinigay ng ama ninyo bilang donasyon sa ilalim ng Article 765 ng Civil Code nagsasaad na ang isang donasyon ay maaring ma-revoke o mabawi sa kadahilanan ng ingratitude o kawalan ng utang na loob ng nakatanggap ng donasyon.

Sa ilalim ng Article 765, maaring bawiin ang isang donasyon kung:

1) Magkasala ang donee o nakatanggap ng donasyon laban sa katauhan, karangalan, o ari-arian ng donor o nagbigay ng donasyon o laban sa kanyang mga asawa o anak;

2) Kung akusahan ng donee ang donor ng anumang krimen kahit pa mapatunayan niya ito sa huli maliban na lang kung ang krimen ay laban mismo sa donee o sa kanyang asawa o mga anak;

3) Kung hindi tulungan ng donee ang donor gayong may legal o moral siyang obligasyon na tulungan ito.

Sa ilalim ng mga nabanggit, maaring pasok sa unang paragraph ang ginawa ng kapatid ng iyong ama. Maaring  magsampa ang inyong ama ng petisyon sa korte na humihiling sa pagpapawalang bisa ng kanyang ginawang donasyon upang maibalik ang pagmamay-ari ng ibinigay na lote sa kanya.

Hindi mo nabanggit kung nabubuhay pa ba ang iyong ama at kung kailan niya nadiskubre ang ginawa ng kanyang kapatid. Mahalaga ang dalawang impormasyon na ito para sa pagsasampa ng petisyon dahil sa ilalim ng Article 769, kailangang maisampa ng donor ang petisyon sa loob ng isang taon simula ng madiskubre niya ang ginawa ng donee. Nakasaad din sa Article 770 na ang donor lamang ang maaring magsampa ng petisyon sa korte.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat.

DONASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with