^

Punto Mo

Halo-halong kaalaman

DIKLAP - Pang-masa

A. Delikado ba ang nunal mo?

Palatandaan na kailangan mo na itong ipa-check up sa doktor:

1. Nagbabago ang shape. Ang normal ay bilog. Imadyinin ninyo ang yolk ng itlog na nabasag kaya kumalat ito. Ganoon ang nunal na delikado.

2. Ang normal ay pantay ang kulay. Ang delikadong nunal ay hindi consistent ang kulay. Halimbawa, ang isang bahagi ay dark brown tapos ang kalahati ay lighter ang shade. O, kaya may area na kulay pink, gray, white or blue.

3. Ang normal ay mas maliit ang diameter kaysa eraser na nakadikit sa mongol pencil. Delikado kung mas lumalaki pa ito habang tumatagal.

4. Nagdurugo kahit hindi nasusugatan.

B. Green tea

Tip ni Dr. Jessica Wu, ang itinuturing na Hollywood Dermatologist: Mas mabilis pumayat kung mas uunahin mong iwasan ay mga drinks na mataas ang calories kaysa solid foods na mataas ang calories. Ang drinks na may high fructose content ay mas malakas mag-imbak ng fats sa katawan lalo na sa bilbil. Payo niya ay uminom ng green tea dahil nagtataglay ito ng zero calories. Ito yung mula sa tea bag ay ikaw na mismo ang magtitimpla at hindi iyong mga ready-to-drink green tea na may nakahalo nang asukal.

C. Paano maiiwasan ang “bloating” at “mahanging” tiyan?

1. Huwag kumain ng high-fructose fruits. Kagaya ng mangoes, dates, prunes, apples, pears, at grapes. May taong mahirap matunawan ng mga nabanggit na prutas kaya nagiging dahilan ng bloating at mahanging  tiyan.

2. Huwag uminom ng gatas. May taong mahirap matunawan ng gatas.

3. Huwag uminom ng softdrinks or other fizzy drinks.

4. Huwag ngumuya ng chewing gum at huwag gumamit ng straw. May sorbitol ang chewing gum na dahilan ng excess gas. Kapag gumamit ng straw, sumisipsip ka rin ng hangin.

KAALAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with