^

Punto Mo

Daming matutulungan kung tutugon nang walang kiyeme’t papogi

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI nag-iisa ang BITAG sa pagsasagawa ng aming public service. Katuwang namin ang mga ahensiya ng gobyerno at ibang institusyon para sa adbokasiya naming makatulong at ipagtanggol ang mga naaabuso.

Lalo kung ang nangangailangan ng tulong ay kapuspalad, diretso kami sa lokal na pamahalaan na pinagkakatiwalaan at subok na. Sila ‘yung mga umaaksyon ora mismo, wala nang maraming satsat pagdating sa paglilingkod sa publiko.

Nitong Lunes, humingi ng saklolo ang isang ama para makuha ang bangkay ng kanyang 23-anyos na anak sa isang punerarya sa Taguig City. Hinihingan kasi sila ng P45,000 bago mailabas ang bangkay.

October 30 nang barilin ng nakatalikod ang balut vendor na anak ng nagrereklamo habang nagtitinda sa may New Lower Bicutan, Taguig City. Stay in ang binata sa kanyang amo at minsanan lang umuwi sa kanyang pamilya sa Parañaque City kaya ikinagulat nila ang masamang balita sa isang Facebook post.

Matapos ang imbestigasyon sa pamamaril, agad dinala ang bangkay sa Our Lady of Loreto Funeral Services. Matapos maproseso, hiningan ng P45,000 ang pamilya para mailabas ang bangkay sa punerarya. Ang problema, kapos sila sa pera at wala silang kakayahang matubos ang binata.

Maraming salamat sa lokal na pamahalaan ng Parañaque sa pamumuno ni Mayor Edwin Olivarez. Aksyon agad lalo sa mga nasasakupan nilang nangangailangan, sa parehong araw ay nailabas ang bangkay ng balut vendor.

Napakasarap makatrabaho ng mga ganitong klaseng tanggapan at mga tao. Tapat sa adbokasiya ng tunay na serbisyo publiko na makatulong.

Kaya’t laking tulong ng programa ng gobyerno sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan at city department offices, may natatakbuhan ang mga kapuspalad sa oras ng kagipitan.

Mas marami ang matutulungan kung tutugon nang walang kiyeme, walang papogi, walang arte, aksiyon ora mismo!

Di man dumidirekta sa mga ahensiyang ito ng gobyerno ang ating mga kababayan, nagiging daan naman ang Pambansang Sumbungan-Aksyon Ora Mismo para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Mga boss, huwag mag-alinlangang humingi ng tulong sa inyong lokal na pamahalaan. Dahil katulad ng BITAG, serbisyo publiko rin ang hatid nila sa inyo. Pero kung hindi ginagawa nang maayos ang trabaho at bibilang pa ng ilang araw bago kumilos, aba, ipa-BITAG n’yo na!

PUBLIC SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with