^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema sa pabahay ng Yolanda victims

Pang-masa
EDITORYAL - Problema sa pabahay ng Yolanda victims

NOONG nakaraang Biyernes (Nobyembre 8), ginunita ang ika-anim na anibersaryo nang pana-nalasa ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan, particular na sa Eastern Samar. Ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa na nag-iwan nang mahigit 6,000 patay at nagdulot nang grabeng pinsala sa mga ari-arian. Napakaraming bahay ang nawasak.

Ang anim na taon kung tutuusin ay mahaba na para magkaroon nang maayos na tahanan ang mga biktima pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat hanggang ngayon, marami pa rin ang walang maayos na tahanan. Marami pa rin ang nahihirapan at hindi nila alam kung kailan matatapos ang kalbaryo.

May mga nakatira sa ginawang bahay ng National Housing Authority (NHA) pero dusa pa rin sila sapagkat walang kuryente at tubig. Kapag tag-ulan, binabaha sila sapagkat walang drainage system at kung tag-araw naman halos malitson sila sa loob ng bahay dahil walang kisame.

Ayon pa sa mga nabigyan ng housing unit, walang mga patigas na bakal ang bahay. Nadiskubre nila na mga kawayan ang ginawang patigas kaya maaaring maguho ang kanilang tirahan. May isang pamilya na hindi natutulog sa loob ng bahay pagsapit ng gabi sa takot na bumagsak ito at matabunan sila. Kaya sa lumang pampasaherong dyipni na lamang sila natutulog. Mas safe pa raw sa dyipni kaysa ampaw na bahay.

Marami umanong nasayang na proyektong pabahay sa maraming lugar sa Eastern Samar sapagkat hindi napapakinabangan. Ayon sa mga residente, ang mga sinimulang bahay ay hindi na tinapos at karamihan sa mga ito ay kinakalawang na ang mga bakal. Ayon sa report, 36 na unit pa lamang ang naia-award ng NHA sa mga biktima ng Yolanda. Nabayaran na umano ang contractor ng P111. 23 milyon pero hindi natapos ang proyekto at itinigil na ang paggawa noong 2017.

Dapat habulin ang contractor pati na rin ang mga opisyales ng NHA. Nasayang ang pera ng taumbayan sa nangyaring ito. Nararapat kumilos nang mabilis ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Sabi ng PACC noong nakaraang buwan, irerekomenda nila sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso sa 12 opisyal ng NHA na sangkot sa anomalya ng Yolanda housing. Dapat silang parusahan. Dahil sa kanilang ginawa, maraming biktima ng Yolanda ang nagdurusa.

YOLANDA VICTIMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with