^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag maglimos sa mga batang nasa kalye

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag maglimos sa mga batang nasa kalye

PALAPIT nang palapit ang Pasko. Parami na nang parami ang batang lansangan na umaakyat sa mga dyipni at namamasko. Mayroong mag-aabot ng lukot na sobre sa mga pasahero. Mayroon din namang kakatok sa salamin ng mga pribadong sasakyan at isasahod ang kamay. Mayroong mga batang Badjao na may dalang plastic o latang tambol at mamamalimos sa mga pasahero ng dyipni. Walang tigil ng tambol ang nasa may estribo ng dyipni habang ang kasama ay nag-aabot ng libaging sobre.

Iba’t iba ang estilo ng mga namamalimos ngayong papalapit na ang Pasko. Dumarami sila araw-araw at walang kapaguran sa paghabol sa dyipni at pagkatok sa mga salamin ng sasakyan.

Mayroong nagbibigay at mayroong  dedma lang. Magsawa ka sa pag-aabot ng sobre o kaya’y sa pagkatok sa bintana pero kahit singkong duling ay hindi makakatikim ang batang pulubi.

Yung ibang nakukonsensiya, nagbibigay at katwiran ay Pasko naman. Ano ba naman ang P5 barya na iaabot sa batang pulubi. Hindi iyon makakabawas sa kayamanan. Minsan lang naman sa isang taon kung maglimos.

Pero sabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hindi dapat maglimos sa mga batang umaakyat sa dyipni o mga nagpapalimos sa kalye. Kinukunsinti lang daw ang mga batang pulubi kapag binigyan. Hindi raw titigil ang mga ito sa pagpapalimos at lalo pang magkakaroon ng lakas na loob. Isa pa, labag sa batas ang pamamalimos. Nakasaad ito sa Presidential Decree 1563.

Ayon pa sa DSWD, inilalagay lang sa panganib ang buhay ng mga bata kapag patuloy na nilimusan. Huwag daw maglimos sa mga bata. Sa halip daw, magkaroon na lang ng feeding program sa mga ito kung gustong makatulong.

May katwiran ang DSWD. Pero dapat gumawa sila ng paraan kung paano aalisin sa lansangan ang mga bata. Pangmatagalang solusyon ang kailangan sa mga batang ito para hindi sila pabalik-balik sa kalye.

 

MAGLIMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with