Gintong inidoro na may 40,815 diyamante, makikita sa China
ISINAPUBLIKO ng isang kompanya ng alahas mula Hong Kong ang isang gintong inidoro na tadtad ng 40,815 diyamante sa isang expo na idinaos sa China.
Isinapubliko ng Coronet jewelry brand, ang gintong inidoro noong Lunes sa ikalawang China International Import Expo sa Shanghai.
Gawa ang buong inidoro sa ginto, habang ang upuan nito ay nilikha mula sa bulletproof na salamin na dinikitan ng 40,815 diamonds. Lahat-lahat ay may taglay 334.68 carats ang inidoro.
Ayon sa Coronet, nakatakdang inspeksyunin ng Guinness ang inidoro sa Miyerkules upang matukoy kung magtatakda ba ito ng isang kategorya para sa mga world record: ang pinakamaraming diyamanteng nakadikit sa inidoro.
Kung sakali, ito na ang magiging ika-10 world record para sa kompanya, na dati nang nagtakda ng world record para sa relo na may pinakamaraming diyamante.
- Latest