^

Punto Mo

Batingtingan blues

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BINALAAN ang recalibrated fare meters ng mga walanghiyang taxi drivers na tigilan na ang pandaraya sa mga pasahero na sumasakay ng kanilang taxi cab.

Ibinida ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles, na marami ang nagrereklamong mga taxi passengers sa kanyang tanggapan kaya naman pinatitiktikan na niya ang mga gagong taxi drivers na gumagawa ng kalokohan.

Sabi sa sumbong, grabe ang lakas ng patak ng metro ng mga kamote kaya naman nagrereklamo sila.

Hindi biro ang batingting ng mga drivers sa taxi nila.

Reklamo nila ang running charge ay kapareho ng ipinatutupad ng Grab driver.

“One of the reports said that a 15-second lapse in real time gets reflected as a 30-second lapse on the taxi meter. This means that the timer on these flawed or purposely modified meters run twice as fast as they should,” tirada ni Nograles.

Halos doble imbes na P60 lang ang 30 minute ride namin ay nagiging P120, o double pa.

‘Matinding panloloko yan at katakawan sa pera.’ sabi ni Nograles.

Banat ni Nograles, bakit kasi kailangan pa dayain yung bagong metro, ang laki na nga ng naidagdag sa bayad ng pasahero mula sa dating singil.

Sabi ni Nograles, lalo’t ngayon Christmas season na tiyak maraming salbahe sa kalsada.

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

• • • • • •

Sina Matayon at Ocinar ng Genki car spa

Bilib ako sa Genki car spa dyan sa may Banawe dahil nakita ko ang hanep na car washing dito.

Sabi nga, nasa puso ang paglilinis nila ng mga tsikot!

Natuwa tayo kina Joselito Matayon, detailer at Ryan Ocinar, dahil trabahong militar ang ginawa nilang paglilinis sa sasakyan nakita ko at na obserbahan.

Totoo ang mga sinabi nilang dalawa na good as brndnew ang tsikot na nililinis nila oras na lumabas sa Genki car spa !

Sabi nga, subukan ninyo ng maligayahan ang mga car owners na magpapa-linis todits.

JERICHO NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with