^

Punto Mo

Human error nangungunang dahilan ng mga aksidente sa lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Back to normal na naman matapos ang mahabang bakasyon ng ating mga kababayan.

Back to normal din maging ang matinding trapik sa mga lansangan partikular sa Metro Manila sa pagbabalikan ng marami buhat sa mga probinsya.

Ingat nga lang ang mga  nasa mga paglalakbay pa dahil talaga namang sangkaterba ang mga malalaking aksidente at trahedya sa mga lansangan.

Hindi maikakaila na marami ang  nagaganap na aksidente at alam ba ninyo hanggang noong 3rd quarter ng taon lamang  tinatayang nasa 1,186 katao ang naitalang nasawi habang 8,376 naman ang nasugatan sa kabuuang 9,663 na mga sakuna na naganap sa mga lansangan sa bansa.

Ito ay base sa rekord ng PNP-Highway Patrol Group (HPG).

Hindi pa kasama rito ang buwan ng Oktubre kung saan nga marami rin ang naganap na trahedya sa lansangan at marami ang namatay.

Humabol pa nga noong nakalipas na Huwebes ng gabi ang pagkahulog sa bangin ng isang trak. Labingsiyam na katao ang nasawi sa insidente.

Sa mga aksidenteng ito, madalas na idinadahilan ay pumalya ang preno, nawalan ng kontrol sa manibela at kung anu-ano na nasisisi sa kondisyon ng sasakyan.

Pero alam ba ninyong karamihan  sa mga aksidente sa kalye ayon nga sa HPG ay sanhi ng ‘human error’ at kawalan ng disiplina sa pagmamaneho ng driver. Sinasabi nga na kahit anong kondisyon ng sasakyan kapag ang driver ang wala sa kondisyon o isang pasaway lalapit at lalapit dito ang trahedya.

Ang masaklap pa rito nandadamay.

Kabilang sa madalas na human error ay ang over speeding, pagmamaneho ng lasing, nagse-cellphone, pag-oover take sa alanganin at mga maling mga desisyon sa manibela.

Nasa 3, 706 mga sakuna ay naganap sa national road partikular na sa Commonwealth at EDSa habang 154 ,617 naman sa expressway, 558 sa mga city roads, nasa 1,406 sa mga village roads, 644 sa municipal roads, 1,267 sa provincial roads habang 184 naman sa STAr Tollway.

Mukhang mangunguna pa rin sa mga sangkot dito ang mga motorsiklo.

Marami rin ang  nakakapansin na tila hindi na  nasusunod ng marami ang inilaaang motorcycle lane dahil kahit saang lane nagsisinghit at biglang sumusulpot ang mga motorsiklo dahilan ng maraming aksidente sa daan.

Kaya malaking bagay at talagang kailangan ang disiplina sa daan kung di man tuluyang maiiwasan eh bahagyang bababa ang trahedya sa lansangan. Huwag na sanang pasaway.

HUMAN ERROR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with