^

Punto Mo

55 vendors na nadenggoy, nagpasaklolo sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NASA 55 street vendors ang napasugod sa programa naming Pambansang Sumbungan, Aksyon ora mismo kamakailan. Ang dahilan, naloko raw sila ng isang kasamahan na umano’y may kapit sa loob ng programang “Wowowin” ng GMA-7.

Hindi naman sana kailangan ng panghihimasok ng BITAG. Kilala ko ang host ng programa at sigurado akong matutulu­ngan naman ang mga nagrereklamo. Alam ko rin na walang humpay sa pagbibigay ng babala ang “Wowowin” sa paggamit sa programa sa iba’t ibang modus. Ganunpaman, nakiusap ang mga nagrereklamo na idaan sa Pambansang Sumbungan ang kanilang sitwasyon.

Babala na rin ito para sa iba na huwag makipagtransaksiyon sa Poncio Pilatong nambiktima sa mga vendor. Pangako raw kasi sa kanila, sa halagang P150 ay may t-shirt at gatepass na para makapasok ng “Wowowin” bilang studio audience. Maayos ang naging usapan at bayaran sa kolokoy na si Reino Odal. Problema, peke pala ang gatepass na binigay sa kanila ni Odal, nowhere to be found na rin ito.

Nakipag-ugnayan ang BITAG sa pamunuan ng “Wowowin”.  Hindi ko man nakausap si Willie dahil maysakit din ito, nagpadala ng pahayag ang pamunuan ng programa. Ayon sa “Wowowin”, araw-araw silang nagpapaalala na huwag magpapagoyo sa mga nagpapakilalang coordinator kuno o  mayroong kakilala sa loob ng production ng “Wowowin”.

Ang panonood sa  “Wowowin” ay libre at walang anumang dapat bayaran. Huwag mag-arkila ng tshirt o magsama ng hindi nila kakilala dahil kung sakaling may mapanalunan ay posibleng itakbo ang kanilang premyo. Sa mga gustong maging studio audience, mag email sa [email protected] o tumawag sa landline 710 3527 at hanapin lang si Mr Martin Tamba na authorized audience coordinator ng “Wowowin”.

Paalala rin na 17 hanggang 70 years old lang ang puwedeng manood, walang anumang sakit o karamdaman (ex: high blood, may sakit sa puso, asthma) hindi rin puwede ang buntis at bagong panganak dahil iniingatan ng programa ang inyong kapakanan.

Pangako rin na bibigyan ng pagkakataong makapasok bilang studio audience ang mga nagrereklamong vendor sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa BITAG. Hindi ko man sila nabigyan ng jacket, pera o kung anu-ano pa, sapat na sa Bitag Pambansang Sumbungan na mabigyan ng katuparan ang kanilang hiling na makapanood ng programa.

In the mean time, sa BITAG Pambansang Sumbungan muna sila nagpa-sample ng giling-giling para siguradong praktisado na pagdating mismo sa Wowowin.

Panoorin ang kabuuan ng istorya sa aming Youtube channel, Bitag Official.

PAMBANSANG SUMBUNGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with