‘Amen’
ANG salitang “amen” ay ginagamit na salita sa huling bahagi ng dasal bilang expression na umaasa tayo at naniniwala nang buong puso na mangyayari o magkakatotoo ang ating panalangin. O, kaya ay kinukumpirma natin ang katotohanang nakapaloob sa ating dinadasal. Pero narito ang ilang katotohanan sa likod ng salitang Amen:
Ang amen sa Ingles ay “so be it” at “truly”
Ang “amen” ay Hebrew word na nanggaling din sa isa pang Hebrew word na “aman”.
May nagsasabi naman na ang “amen” ay mula sa pangalan ng Egyptian god na Amun na kung minsan ay binabaybay na Amen.
Pero may teorya ang ibang scholars tungkol sa salitang Amen. Ang Amen ay salitang produkto ng pagsasalin-salin ng Bibliya mula Hebrew patungo sa Greek; then isinalin na naman sa Late Latin ng Grecian theologians. Hindi dito nagtapos ang pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang wika, pagkasalin sa Arabic ay saka naman isinalin sa wikang Ingles.
Sinasabing ang Amen ay hindi lang mga Kristiyano at Jews ang gumagamit, ginagamit din ito ng Muslim. Ang amen ay “amin” sa Arabic.
- Latest