^

Punto Mo

Sa ulap tayo magtatagpo (Part 11)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KAILANGANG maisagawa ang paglilipat ng labi ni Laura sa sementeryo dahil unti-unti nang nanghihina ang enerhiya ng puno kung saan ito inilibing. Mas mainam na matanggal na si Laura sa pagkakalibing sa ilalim ng puno dahil kung aabutin pa ito ng kamatayan ng punong iyon, malabo nang makatawid sa kabilang buhay si Laura. Isasama siya ng mga espiritung namamahay sa puno habang panahon.

Isang gabi ay dinalaw ni Laura ang kanyang ina sa panaginip. Hindi ko na alam ang detalye kung paano niya ipinarating ang lahat ng pangyayari dahil ang importante sa akin ay maisagawa na ang lahat ng dapat gawin para maging maayos na lahat kay Laura at sa akin din.

Kailangan pang ulit-ulitin ni Laura ang pakikipagkita sa kan­yang ina sa panaginip dahil tumatanggi ang diwa ng kanyang ina na may katotohanan ang sinasabi ng kanyang anak. Pero isang araw ay nagulat na lang ako nang pinuntahan ako ng kanyang ina. Nag-usap-usap kami kasama ang aking ina. Gulat na gulat siya kung paano kami nagkatagpo ng kanyang anak. Napaiyak ito nang ikuwento ko ang kalagayan ng espiritu ni Laura.

Wala silang lote sa public cemetery at mahaba pang proseso kung bibili pa sila ng bagong lote kaya inialok ni Mama ang museleo ng aming pamilya. Puwedeng ilibing si Laura sa aming museleo.

Nagsagawa muna ang matatandang kamag-anak ni Laura ng isang ritwal bago hukayin ang mga kalansay nito sa ilalim ng puno bilang paghingi ng paumanhin. Madaling araw nang isagawa namin ang paglipat ni Laura sa aming museleo upang maging tahimik ang libing at hindi maeskandalo ang kanilang neighbourhood. Nakahinga ako nang maluwag. Ang punongkahoy naman na nasa bingit ng kamatayan ang  aasikasuhin. Gagamutin ito ng pamilya ni Laura upang hindi tuluyang mamatay.

Siyam na araw na nagritwal ang mga kamag-anak ni Laura upang gamutin ang punongkahoy. Dinidiligan nila ito ng tubig mula sa dagat. Umuusal sila ng panalangin para humingi ng tulong sa diyos ng kalikasan na pagalingin na ang “sugat” nito. Ito ang pinaniniwalaan ng kanyang mga kamag-anak na makakapagpabalik sa enerhiyang nawala sa puno. (Itutuloy)

ULAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with