^

Punto Mo

Bata ni Magalong, sibak sa PNP reshuffle!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pabor si Baguio City Mayor Benjie Magalong dito sa pagpahiya ng mga pulis na nahuhuling natutulog habang naka-duty. Marami pang kuro-kuro si Magalong na kumalat sa social media na sinang-ayunan naman ng mga netizens na ang plano ay gumawa ng samahan na “Magalong for president” movement.

Pabor ba kayong maging presidente ng bansa si Magalong, ha mga kosa? Subalit kung ang mga kosa ko sa Camp Crame ang tatanungin, aba walang ibang pinapasaringan si Magalong kundi si retiring PNP chief Gen. Oscar Albayalde at si Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang Chief of Directorial Staff (CDS) ng PNP, na dating NCRPO chief.

Sina Albayalde kasi at Eleazar lang ang nag-iinspection sa mga police stations at PCP sa Metro Manila at ang mga natutulog na pulis na naka-duty ay sinasabon. Kasama ito sa disiplina na pinaiiral nila, at paano kung inatake sila ng terorista, eh di man sila makapanlaban pag tulog sila.

Sa pagpuna ni Magalong sa pagsabon ng mga natutulog na pulis ay nahuli siya mismo sa bunganga niya. Araguuyyy! Kasi nga sa kasagsagan ng popularity ni Albayalde, malakas ang tsansa na papalit sa kanya kung sino man ang basbasan niya, di ba mga kosa? Subalit nang sumipot si Magalong sa Senate hearing, giba si Albayalde, pati ang imahe ng PNP, kaya “kiss of death” na ang endorsement niya kay Eleazar.

Siyempre, na ‘pag nawalis si Eleazar, mas lalaki ang tsansa ng manok ni Magalong na maupo, ‘di ba mga kosa? Sa ngayon kasi, ang mahigpit na kalaban ni Eleazar ay sina OIC Lt. Gen. Archie Gamboa at Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang DCO ng PNP. Sino ang manok ni Magalong sa dalawa mga kosa? Hak hak hak!

Imbes kasi na sa Baguio i-focus ang isipan, e nakikialam pa si Magalong sa PNP kung saan wala naman s’yang ginawa noong aktibo pa siya. Si Magalong nga ang nag-imbestiga ng drug recycling tapos hindi naman niya naipataw ang kaparusahan noong hepe siya ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na may hawak ng mga kaso ng rogue cops.

Kung sabagay, nagkaroon na ng casualty dito sa Senate hearing sa nakaraang malawakang pagbalasa ng opisyales ng PNP sa katauhan ni Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro. Mula kasi bilang hepe ng Drug Enforcement Group (DEG) si Ferro ay natapon sa PRO5.

Mula kasi sa commander naging deputy (DRDA) na lang si Ferro sa PRO5, matatawag na kangkungan ang binagsakan niya. Ang kasalanan ni Ferro? Siya ang nag-imbestiga ng drug recycling ng mga bataan ni Albayalde noong hepe pa siya ng Pampanga police noong 2013 na naging paksa sa Senate hearing. Ang isa pang nawala sa puwesto ay si Maj. Gen. Timoteo Pacleb, ang hepe ng Directorate for Intelligence (DI) na mukhang nabulaga ng Senate hearing. Araguuyyy! Hak hak hak! Mukhang markado na ang mga bataan ni Magalong.

Binigyan naman ni Gamboa ng tatlong buwan ang mga bagong upong PNP officials na mag-perform kundi sibak din sila. Ang tanong lang ni kosang Caby Cabacang, paano kung hindi i-appoint ni Pres. Digong bilang permanent PNP chief si Gamboa, e ano ang kalalabasan ng pananakot niya? Pakisagot nga si Cabacang kosang Brig. Gen. Matt Baccay, PNP Legal Service chief Sir? Abangan!

BENJIE MAGALONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with