Sa ulap tayo magtatagpo (Part 4)
KALULUWA na lang pala si Laura. Shocked ako. Pero sa pinakasulok ng aking puso ay naroroon pa rin ang aking pagtatangi sa kanya. Walang nabago.
Kaya pala kahit kailan ay hindi ko siya nakikita sa aming paaralan. Sa bus ko lang lagi siya nakikita. Taon 1982 nang namatay siya. Ang kasalukuyang taon noon ay 1990.
Bakit noong isang araw ay wala ka? Naisip kong absent ka lang.
May sandaling humihina ang energy ko kaya hindi mo ako nakikita. Pero narito lang ako.
Bakit sabi mo’y matagal ka nang patay pero bakit hindi ka pa rin nakakatawid sa kabilang buhay?
Hangga’t hindi ko natatanggap ang bigla kong kamatayan ay hindi ako makakaalis dito sa mundong ito.
Taon 1982. Sa school bus ding iyon. May naghaharutang mga lalaking ka-service si Laura, na ang isa pala ay may dalang lanseta, isang maliit na kutsilyo. Pinag-aagawan ng dalawang lalaki ang laseta. Biglang huminto ang bus dahil may tumawid na aso sa dinaraanan nila. Ang dalawang naghaharutan ay nawalan ng balanse. Ang isa ay nangudngod sa sahig ng bus samantalang ang isang may hawak ng kutsilyo ay tumalsik sa kinauupuan ni Laura. Tumama ang hawak na kutsilyo sa dibdib ni Laura, sapol ang puso nito. (Itutuloy)
- Latest