^

Punto Mo

Sa ulap tayo magtatagpo (Part 3)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Nang sumunod na araw, na-excite na naman ako dahil naroon na sa bus ang aking crush. Aking naipanga­ko sa sarili na kakausapin ko na siya. Ngayon ko lang naramdaman ang excitement na makipagkilala sa isang babae.

Dumiretso ako sa hulihan ng bus kung saan siya nakau-po. Malayo pa ay nakangiti na ako sa babae. Tumabi ako sa kanya.

“Hello, good morning.”

Gulat na gulat ang babae.

“Nakikita mo ako?”

“Oo, bakit?”

Napangiti ang babae. Tinakpan niya ng bahagya ang kanyang bibig habang napatawa. Mukha namang mabait kaya sinundan ko agad ng joke.

“Why? Multo ka ba na hindi dapat makita?”

Napalakas ang aking boses. Tiningnan ako ng driver sa salamin. Napasimangot ito at napailing.

 “Ako si Jef. Isang buwan na tayong magkasama lagi sa bus pero hindi pa tayo magkakilala”

“I’m Laura”

Iyon ang simula ng aming pagkakaibigan. Lagi na akong umuupo sa tabi niya. Ang ipinagtataka lagi akong pinagtitinginan ng aking mga ka-service. May isang hindi nakatiis.

“Hoy, Jef…kanina ka pa diyan nagsasalitang mag-isa. Sinong kausap mo.”

Natigilan ako.

Tiningnan ko si Laura. Siya ang nagsalita.

“Huwag ka nang magsalita. Makinig ka na lang sa sasabihin ko. Totoo ang hinala mo noong una na multo ako. Dito ako nakatira. Nakakulong ako  sa bus na ito ng mahabang panahon.”

(Itutuloy)

MAGTATAGPO

ULAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with