^

Punto Mo

Mga abusado sa ‘wangwang’,sampolan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matinding stress na talaga ang nararanasan ng mga motorista dahil sa matinding trapik partikular sa Metro Manila.

Kahit nga kasi may baon silang mahabang pasensiya mukhang hindi na tumatalab o kinakaya ang kalbaryo sa trapik.

Kaya nga kung mapapansin, marami ang nagaganap na mainitang komprontasyon sa lansangan, dahil maiinit na ang ulo dahil sa trapik.

Trapik na nga, masasalamuha pa ang mga ‘pasaway’ o yung naghahari-harian sa daan.

Kadalasan ay nagtitiis na pumila ang motorista sa trapik, eto at dadaan ang hari na ‘de wangwang’ na may kasama pang ‘hawi boys’. Sisingit at sisingit. Hindi lang may mas makapal ang mukha nagka-counter flow makalusot lang sa trapik.

Ito ang mga abusado, kahit wala silang karapatan na gumamit ng ‘wangwang’ at ang escort ng mga ito aba’y kung manghawi daig pa ang bagyo, magagalit pa kapag hindi  agad nakatabi ang hinahawing motorista.

Base sa batas, tanging ang mga ambulansiya, pulis, bumbero, BJMP at NBI ang puwedeng gumamit ng wangwang.

Habang sa mga opisyal ng pamahalaan ang Presidente, Vice-president at Senate president ang puwedeng gumamit nito.

May ilang opisyal ng pamahalaan na wala namang karapatang gumamit ng wang-wang ang siya pang abusado sa daan.

Trapik na, masasalamuha mo pa sila, lalong iinit ang yung ulo at titindi ang stress mo.

Ito ang mga dapat mabantayan nang husto, kunan ng video at ireklamo.

Sana may masampolan!

 

 

                                                            (end)

WANGWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with