^

Punto Mo

Pancit

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUWENTO ito ng isang kaibigan na naninirahan sa probinsiya.

Kapitbahay ko sa probinsiya ang 80 years old na si Aling Naty. May-ari siya ng panciteria na kilala sa masarap nilang bihon guisado. Mga anak na lang niya ang namamahala dito. Isang katulong lang ang kasama niya sa malaki nilang bahay. Ang mga anak niya ay may kanya-kanya nang sariling bahay. Minsan ay lumapit siya sa akin bitbit ang kanyang cell phone.

Ineng paano ko baga bubuksan dine sa cell phone ang litratong ipinadala ng aking apo? Tumawag kasi siya at sinabing ipinadala na raw niya sa akin ang litrato ng kanyang anak. Kapapanganak lang niya kahapon.

Ang apong nanganak na binabanggit ni Aling Naty ay nasa Canada. Matagal na niya itong hindi nakikita. Litrato ng kanyang pinakaunang apo sa tuhod ang ipinadala ng apo. Unang sulyap pa lang ay nakita kong non-smartphone ang kanyang telepono. Ipinaliwanag ko sa matanda na hindi puwedeng buksan sa kanyang cell phone ang litratong ipinadala sa kanya.

Ipinorward ko ang message ng apo ni Aling Naty sa aking smartphone. Maya-maya lang ay nakita na niya ang litrato ng apo sa tuhod. Walang pagsidlan ng tuwa ang matanda. Nilubus-lubos ko na ang pagbibigay ng pabor sa matanda. Gamit ang aking printer, nai-print ko ang litrato ng kanyang apo sa tuhod with matching photo frame na kakalat-kalat lang sa aming bahay. Napaiyak si Aling Naty sa sobrang tuwa. Sinabihan ako ng “ang bait-bait mo” habang pinipisil ang aking braso.

Wala pang isang oras ay bumalik sa aming bahay ang matanda. May bitbit itong pancit na agad pinaluto sa panciteria nila. Habang nginangasab ko ang pancit, saka ko na-realized na mas lume-level up pala ang sarap ng kinakain kung ibinigay ito sa akin bilang pasasalamat sa ginawa kong kabutihan.

ALING NATY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with