Kung magiging titser ang aso mo…
ITO ang mga bagay na ituturo niya sa iyo…
Kapag may dumating sa bahay na kapamilya, buong kasiyahang salubungin sila, kahit pa abalang-abala ka sa iyong mga gawain.
Maging masunurin kung ito’y sa ikabubuti ng lahat ngunit hindi masamang lumaban kung teritoryo mo na ay pinakikialaman.
Matutong magpahinga kapag napapagod. Walang masama kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sariling magpagulong-gulong sa higaan pagkatapos ng isang linggong paghahanapbuhay.
Huwag ka agad “mangangagat” dahil minsan, sa “kahol” lang ay maitataboy mo nang palayo ang isang kaaway?
Kung masaya ka ipakita mo. Walang masama kung iwagwag mo ang iyong katawan kung heaven na heaven ang pakiramdam mo.
Sa trabaho, huwag seryosohin kung napapagalitan ka ng iyong amo. Huwag magi-guilty o maaawa sa sarili. Kalimutan agad ang nangyari at ibalik ang sigla sa pagbibigay ng serbisyo.
Maging tapat sa mga taong pinagseserbisyuhan at sa mga kaibigan. Iwasang magkunwari.
Kumain hanggang gusto ngunit tumigil kapag busog na.
Ang aso ay hindi tumitigil sa pagkalkal ng lupa hanggat hindi niya nakukuha ang anumang bagay na nakabaon doon. Ganoon ka rin. Huwag susuko hanggat hindi naaabot ang pangarap.
Kung nalulungkot ang isang kaibigan, tabihan mo siya. Tumahimik ka lang. Sapat na iyon para maipadama mong nariyan ka lang sa kanyang tabi at naghihintay ng kanyang tawag.
- Latest