Bilangguan sa Switzerland, pininturahan ng pink upang mapaamo ang mga preso
SA paniniwalang makakatulong ito sa pagpapakalma ng mga preso, pininturahan ng kulay pink ang ilang kulungan sa Switzerland.
Umaasa ang psychologist na si Daniela Spath na magiging matagumpay ang proyekto. Sa loob lang daw kasi ng 15 minutong pananatili ng isang nanggagaliiting preso ay kumakalma na raw kaagad ito.
Hindi lang ang mga bilangguan ang pininturahan ng pink sa Switzerland dahil kahit ang ilang mga presinto roon ay nababalot na rin ng nasabing kulay.
Inunang pinturahan ng pink ang bahagi ng mga presintong pinaglalagyan ng mga naaresto dahil sa labis na kalasingan.
Ayon sa isang tagapagsalita ng mga pulis sa lugar, mabisa raw ang paglalagay sa mga lasing sa isang kuwartong kulay pink dahil tumatahimik daw ito at mas mabilis makatulog.
Sa kabila naman ng popularidad nito sa mga kinauukulan, tinutulan naman ito ng mga mismong preso. Para kasi sa kanila ay hinihiya sila sa pamamagitan ng paggamit ng isang kulay na pambabae para sa kanilang mga kulungan.
- Latest