^

Punto Mo

Laging ihuli ang sarili

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LAGING top one sa kanilang batch sa elementary ang anak ng isang kaibigan. Ngunit isang araw ay naging top 3 na lang ang bata. Iyak ito nang iyak nang umuwi sa bahay. Para mapagaan ang loob ng bata ay sinabi ng aking kaibigan na ang ideal number sa buhay ng isang Kristiyano ay number 3.

Ang Diyos ang number 1 dapat sa ating buhay. Sa tuwing gagawa ng desisyon sa buhay. Ang una laging isasaisip ay naaayon ba sa aral ng Kristiyano ang iyong gagawin?

Ang kapwa ang number 2. Kung may gagawing desisyon, hindi ba ito makakaperwisyo sa ibang tao. May mga bagay na nakakasiya sa ating sarili pero may natatapakan naman pala tayo.

Saka mo lang iisipin ang sarili sa huling pagkakataon. Ako ang number 3.

Kung  ang naging panuntunan sa buhay ng mga corrupt government officials ay ihuli ang sarili, sana hindi sila nakakulong ngayon o kaya ay hindi sana sila kasama sa mga iniimbestigahan ng senado at nagmumukhang kahiya-hiya sa publiko. Palibhasa ay inuna ang sarili, gulung-gulo ang isip nila ngayon kung sino ang kukuhaning mahusay na abogado para mailusot sila sa kaso.

vuukle comment

SARILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with