^

Punto Mo

Ang dalawang mansanas

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN dumating ang bata sa bahay mula sa school na may bitbit na dalawang malalaki at pulang-pulang mansanas. Nakakatakam ang hitsura nito. Nagkataong ang ina ay hindi pa nagmemeryenda nang oras na iyon kaya’t nakiusap ito sa anak.

Anak, sa akin na lang ang isang mansanas mo.

Ngumiti ang anak.

Tig-isang kamay na hawak ng anak ang mansanas. Una nitong kinagatan ang nasa kanan. Nginuya. Nilasahan. Saka nilunok.  Pangalawa nitong kinagatan ang nasa kaliwa. Kagaya ng nauna, nginuya, nilasahan saka nilunok.

Napasimangot ang ina. Disappointed siya sa inugali nito. Bakit kailangan pang kagatan ang parehong mansanas? That’s rude. Kanino kaya natutuhan ng batang ito ang ganoong ugali?

Bubuka na sana ang kanyang bibig nang magsalita ang anak.

Mommy… mas matamis ang nasa kanan, sa iyo na ito.

Awww… pahiya naman si Nanay. Sooo judgemental.

“Always delay judgment. Give others the privilege to explain themselves. What you see may not be the reality.”--anonymous

MANSANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with