^

Punto Mo

Ano ba ang public nuisance?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Dahil daw sa masangsang na amoy na nanggagaling dito ay inireklamo po sa barangay ang aming babuyan ng ­aming mga bagong kapitbahay kahit higit isang dekada na po nang simulan namin ito. Bagama’t kinampihan naman kami ng barangay dahil nga matagal na ang aming babuyan ay gusto ko pa rin sanang malaman kung may magagawa ba kami upang mapigilan na ang mga ganitong reklamo. --Evelyn

Dear Evelyn,

Maaring sabihin na nuisance ang inyong babuyan. Sa ilalim ng Article 694 ng ating Civil Code, ang nuisance ay maaring isang gawain, pagkukulang, establisyemento, negosyo, kondisyon ng isang ari-arian, o ano pa man na (1) mapaminsala o mapanganib sa kalusugan o kaligtasan ng iba; (2) nakakainis sa pandinig, paningin, o sa pakiramdam ng iba; (3) nakagigimbal o nakaiinsulto sa moralidad ng iba; (4) nakaharang sa anumang pampublikong daanan, mapa-lupa man o sa tubig; at (3) nakagagambala sa paggamit ng ari-arian ng iba.

May dalawa ring klase ang nuisance: maari itong maging public o private. Public ang isang nuisance kung isang komunidad o ilang mga tao ang naapektuhan nito samantalang private naman kung isang pribadong indibidwal lamang.

Base sa iyong inilahad, inirereklamo bilang isang public nuisance ang inyong babuyan dahil ilan sa mga kapitbahay mo ang nagreklamo.

Hindi tama ang sinabi ng barangay na hindi maaring maging nuisance ang inyong babuyan dahil higit 10 taon na ito. Sa ilalim ng Article 698 ay hindi magiging legal isang nuisance dahil lamang sa tagal na nito.

Bagama’t wala kang magagawa sa pagsulpot ng mga reklamong maari niyong maaring kaharapin dahil sa inyong babuyan, hindi naman basta-basta maipatitigil ang operasyon nito. Kahit pa ang pagpapatigil ng isang nuisance ay maaring summary o madalian at hindi na kaila­ngang dumaan sa korte ay kailangan pa rin nitong dumaan sa tamang proseso. Ayon sa Articles 702 at 704 ng Civil Code, kailangan munang aprubahan ng district health officer ang pagpapatigil ng nuisance at kailangang gawin ito sa tulong ng ating mga pulis. Maaring pagbayarin ng danyos ang sinumang nagpatigil ng isang nuisance na nagdulot ng labis na pinsala o sakaling mapatunayan na hindi naman pala isang nuisance ang kanilang ipinatigil.

PUBLIC NUISANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with