^

Punto Mo

EDITORYAL - Rebisahin ang Rice Tarrification Law

Pang-masa
EDITORYAL - Rebisahin ang Rice Tarrification Law

ANG presyo ng 1 kilong commercial rice sa kasalukuyan ay P30.00 pataas. Maraming bigas sa merkado at tila wala nang problema gaya nang nangyari noong nakaraang taon. Pero kung mataas ang presyo ng bigas, kabaliktaran naman ito sa presyo ng palay na umaabot lamang sa P7 hanggang P8 ang 1 kilo. Ganito kababa ang presyo ng palay sa ilang lugar sa Pilipinas. Sa Occidental at Oriental Mindoro halimbawa kung saan ay panahon ng anihan, ang kilo ng palay ay P10 hanggang P11. At tila pinapanawan ng pag-asa ang mga magsasaka sapagkat hindi pa mabawi ang kanilang puhunan sa ginastos sa pagtatanim at pagpapabunga sa kanilang palay. Nagkautang-utang sila para may maibili ng binhi, pataba, insecticide, bayad sa manggagamas at pagtatabas sa pilapil at ngayong inani na ang palay at ibebenta na ay sobrang baba ng halaga. Pakiramdam ng mga magsasaka, pinatay na sila sa sobrang mura ng presyo ng palay.

Habang ang mga bigas na galing sa ibang bansa ay mahal ang presyo sa pamilihan, sila namang local na magsasaka ay kinakawawa sapagkat sobrang baba at tinatawaran pa ang presyo ng kanilang palay. Kung alam lang daw nila na ganito ang mangyayari, hindi na sila nagtanim at naghanap na lamang ng ibang pagkakakitaan. Sobrang sakit sa damdamin na makaraan nilang pagbuhusan ng hirap ang pagtatanim ng palay ay ganito lamang ang kasasapitan sa panahon ng anihan.

Sinisisi sa pagbaba ng presyo ng palay ang pagdagsa ng imported rice sa mga pamilihan. Dahil ito sa Rice Tarrification Law kung saan maaari nang umangkat ang kahit sino ng bigas. Naging maluwag na kaya naman sobrang dami ng bigas. Ganunman, kahit na marami ang bigas, marami rin ang umaangal sapagkat mahal pa rin ito na taliwas sa sinabi ng pamahalaan na magmumura dahil sa liberalisasyon ng pag-angkat ng bigas. Kaya nahihirapan na ang consumer, pati local na magsasaka ay nagdurusa rin.

Nararapat rebisahin o susugan ang Rice Tarrification Law para naman hindi ganito kabigat ang nararanasan ng mga magsasaka. Kaawaan sila at huwag putulan ng hininga.

vuukle comment

RICE TARRIFICATION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with