^

Punto Mo

Ang mga anay na gumigiba kay Domagoso!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SAME dog, different collar. ‘Yan ang pagsasalarawan ng mga kosa ko sa liderato nina dating Manila mayor Erap Estrada at incumbent Mayor Francisco Domagoso. Kapwa actor itong sina Erap at Domagoso kaya’t may pagkataon na bola-bola kamatis ang mga patutsada nila, ayon sa mga kosa ko.

Subalit kung tingnan n’yo ang lansangan ng Maynila sa ngayon, maliwanag pa sa sikat ng araw na mas maluwag ito kumpara noong panahon ni Erap. Kaya’t goodbye na lang sa pangarap ng mga vendors na bumalik sila sa kalye at bangketa sa Divisoria dahil ayaw ni Domagoso na magaya siya noong panahon ni Erap na hitik ng paninda ang kalsada.

Mag-rally man kayong mga vendors sa City Hall o saang sulok man ng Maynila, hindi kayo bibigyan ng permit ni Domagoso para hindi siya mapulaan at maakusahan na tumanggap ng P5 milyon kada araw sa vendors. Araguuyyy! Inaamin naman ni idol Domagoso na galing siya sa mahirap kaya nagtataka ang mga kosa ko kung bakit pusong bato siya sa mga vendors.

Sana man lang nagkaroon ng programa si Domagoso para sa vendors tulad nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Marikina Mayor Marcy Teodoro kung saan walang ingay ang vendors nila dahil may mapaglipatan sila at tuloy ang ligaya na magtinda. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya naman nasabi ng mga kosa ko na same dog, different collar ang liderato nina Erap at Domagoso ay dahil parehas lang ang mga taong namamahala sa raket ng mga alipores nila. Halimbawa na lang, anila, ay ang pagkuha ni Maj. Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMART, kay Sgt. Raffy Padua, bilang tong collector sa pasugalan at iba pa.

Si Padua ay siya ring tangga ng City Hall detachment, ang pinalitan ng SMART, noong panahon ni Erap kaya alam niya ang kalakaran. Dahil sarado ang video karera, perya, at sakla, ang ginawa ni Padua ay per puwesto ng bookies ng karera ang labanan para umangat ang weekly take home ni Ibay.

Dati-rati ang PCP lang ang gumagawa niyan dahil ang City Hall detachment at iba pang unit ng MPD ay pangkalahatan ang labanan. Kaya kahit hirap sila, pumayag na rin sina alyas Tonton, Jeff Matatag, Derek, Pascia, Alvin Quiapo, Boga, Mang Boy, Arcilla, Tata Halili, Gladys, Tata Andoy at Cocoy at baka masara pa sila. Araguuyyy! Hak hak hak! Si alyas Jonathan naman, na bagyo kay Domagoso, ay may butas din at si Lt. Joel Aquino ang kolektor niya. Driver ba ni Domagoso si Jonathan? Tanong lang po!

Si MTPB chair Dennis Viaje naman ay kinuha ang serbisyo ni ex-chairman Darwin Ibay bilang hepe ng MPTB District 2, 3, at 4 na dating puwesto rin niya noong panahon ni Erap dahil bagyo siya sa bagman na si Dennis Alcoreza. Kaya tuloy ang ligaya ng mga alipores ni Domagoso sa parking at walang pinagkaiba naman ang singil nila sa Manileño noong panahon ni Erap.

Ang angal sa social media ng mga Manileño ay sinisingil sila ng P50 hanggang P70 kahit nakalagay sa resibo ng MTPB ay P20 lang ang dapat bayaran nila. Ang sabi pa ng MTPB attendant, P20 lang ang kanila at ang sobra ay sa City Hall napupunta. O hayan, naiparating ko na kay Domagoso ang mga anay na gumigiba sa pangalan n’ya kaya kahit abo’t-langit ang pangako niyang pagbabago, nalilito ang Manileño kung totoo ba o hindi ang pinagsasabi niya. Abangan!

ERAP ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with