Faeldon hiniya si Nograles?
MALALIMANG imbestigasyon ang gustong gawin nina Puwersa Ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles sa kanyang mga katoto sa Kongreso sa likod ng kontrobersiya na kinasasangkutan ni convicted rapist-killer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Ibinida ni Nograles, na may tatlong pangunahing mga isyu na kailangang malinawan sa pagsisiyasat tulad ng katotohanan sa likod ng mga paghahabol ng pamilya ni Sanchez na naaprubahan na diumano ang kanyang release papers?
Gusto ring makalkal ang koneksyon ni Sanchez sa release issue kay Ruperto Traya Jr. chief ng Bureau of Correction (BuCor) Inmate’s Document Processing Division.
Sabi ni Nograles, kailangang malaman ang katotohanan tungkol sa mga sinasabi ng pamilya ni Sanchez na ang release order ay aprubado na at pirmado pa.
Si Sanchez ay dapat lumabas sa karsel noon pang August 20 bilang benepisyaryo ng tinatawag na Good Conduct Time Allo-wance sa ilalim ng Republic Act 10592.
Naku ha!
Bola ito.
‘Kailangan naming himay-himayin kung bakit may ganitong dokumento at kung sino ang pumirma nito? Sayang at ang taong magbibigay sana ng liwanag sa mga bagay na tinatanong natin ay napatay noong nakaraan araw.’ sabi ni Nograles.
Kawawa naman!
Sabi ni Nograles, opisyal niyang hiniling kay BuCor Chief Nicanor Faeldon ang listahan ng lahat ng bilanggo na na-release at nakinabang sa GCTA mula noong 2013, pero ang kanyang kahilingan ay tinanggihan ng huli.
Ika nga, sinupalpal. Hehehe!
Sa gagawing imbestigasyon magkaalaman kaya kung may nangyaring kurapsyon para ma - released sa ilalim ng GCTA ang mga preso na gumagawa ng mga karumaldumal na krimen? Abangan.
• • • • • •
Dapat lang tulungan ng gobierno
SANA totohanin ni Senator Bong Go na hahanapan ng lunas ang mataas na bayarin na problema ng karamihan sa madlang Pinoy tungkol sa highly specialized medical procedures halimbawa ang liver, kidney, heart transplant.
Dapat lang naman!
Hindi biro ang nagkakasakit na madlang people dito porke lahat ng kilala nilang Diyos ay tinatawag oras na tamaan sila ng nakamamatay na sakit na pinag-uusapan natin sa itaas.
Ang alam natin makina o aparato pa lamang na ginagamit dito ay saksakan na nang mahal idagdag mo pa ang gamot para rito upang gumaling ang pasyenteng may-sakit.
Sabi nga, may problema ang mga walang pera tiyak matitigok kung hindi matutulungan.
Siempre gobierno ang kailangan ng madlang Pinoy para tumulong sa mga maysakit.
Tama!
Million of pesos ang gastos dito kung susumahin kaya bawal ang magkasakit ng ganito.
Sabi nga, Lord, help us!
Sinasabing dialysis treatment pa lamang sa mga pasyente ay katakot-takot na ang halaga higit kumulang sa P3,000. May araw-araw na gamutan, may three times a week, twice a week, kumporme sa may sakit at payo ng doktor.
Ang pinakamasaklap nito kapag tumigil ka ng wala pang bles-sing sa doktor tiyak tigok ang pasyente. Problema kasi ang mahal ng mga babayaran, buti na lang at may PhilHealth o insurance card ang iba sa may sakit pero hanggang kailan ito tatagal?
Ano sa palagay ninyo? Abangan.
- Latest