^

Punto Mo

Ang isang dosenang lobo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MASAYA ang selebrasyon ng ika-50 taong kasal nina  Manny at Lenie. Labindalawang lobo na may iba’t ibang kulay ang pinakawalan at hinayaang lumipad paitaas. Sa loob ng bawat lobo ay may wish na inilagay ang mag-asawa para sa kanilang anak. Lahat ng bisita ay nakatingala habang hinahabul-habol ng kanilang tingin ang mga lobong dahan-dahang pumailanlang sa kalangitan.

Labindalawang lobo dahil isang dosena ang naging anak ng mag-asawa. Guro sa pribadong unibersidad si Leni samantalang accountant naman sa pribadong kompanya si Manny. Ginawa nila ang lahat upang ang 12 anak ay makapagtapos ng pag-aaral.

Ang  panganay hanggang ika-6 ay pulos mga titser.  Ang ika-2, 4 at 6 ay nagtapos ng may karangalan. Ang ika-7 ay doktor, ika-9 ay abogado, ika-11 ay nurse na kasalukuyang nasa Canada. Ang ika-8 ay accountant pero nasa kulungan dahil sa pakikialam ng pera ng kompanyang pinaglingkuran. Lalaya na siya sa isang taon. Ang ika-10 ay nagpakamatay dahil hindi matanggap na sa kabila ng pagiging consistent honor student mula prep school hanggang kolehiyo ay bumagsak siya sa medical board exam.

Ang ika-12 o bunso ay “stokwa” o nag-stow away. Nasa kolehiyo ito nang basta na lang hindi umuwi sa kanilang bahay dahil nagselos sa isang kapatid na ibinili ng kotse ng ama pero siya’y hindi. Hanggang ngayon ay hindi nila alam kung nasaan ang pinakamamahal na bunso.

Sinisimbolo ng mga lobo ang 12 anak nina Manny at Lenie. Kahit iba’t iba ang kulay ay iisa ang size ng lobo ay pare-pareho ang dami ng helium na inilagay sa loob nito. Ngunit nang paka­walan ay hindi pantay-pantay ang taas nang paglipad. May nakarating sa pinakataas ng kalawakan, may napasingit sa dahon ng mga puno kaya hindi nito naipagpatuloy ang paglipad, may bigla na lang pumutok gayong hindi pa nakakalipad nang mataas. Ang isang dosenang anak ng mag-asawang Manny at Lenie…

LOBO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with