^

Punto Mo

Nutribun, patok sa kabataan sa Marikina!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG tinapay na Nutribun ay programa ng US AID sa bansa noong panahon ni dating Pres. Ferdinand Marcos at ibinabalik ngayon ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa kanyang siyudad. Tinatayang 21,000 kinder at Grade 1 pupils ang makikinabang sa Nutribun na gawa sa sangkap na malunggay, kalabasa, itlog at arina na ang layunin ay ang zero malnutrition sa kabataan sa Marikina sa susunod na taon. Sa kanilang monito-ring, maraming kabataan ang dumaranas ng malnutrition sa public schools kaya maagap namang nagsagawa ng intervention si Teodoro. Natuklasan ng liderato ni Teodoro na karamihan sa mga tinatawag na undernourished na estudyante ay ‘yung walang baon o dili kaya’y hindi kumakain ng masustansiyang pagkain bago pumasok sa school. Sa Nutribun program nila, naniniwala si Teodoro na magkakaroon na ng sigla sa pagpasok sa school ang mga bata. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan! Makapag-concentrate na sila sa aralin nila dahil busog sila at makadagdag ito sa pag-angat ng kalusugan nila. Malakas ang paniniwala ni Teodoro na tataas ang performance ng mga bata kapag hindi kumakalam ang kanilang sikmura. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Mabuti pa si Teodoro, hindi nangangako subalit action agad sa problema ng kalusugan ng kabataan.
Ang Nutribun program ay inilunsad ng US Food for Peace Program sa bansa noong admi-nistration ni Marcos noong 1972 para labanan ang malnutrition sa kabataan. Hindi lang ang tinapay ang binabahagi sa kabataan kundi maging ang dried milk powder. Siyempre, nakita ni Marcos ang kabuluhan ng US AID kaya nagsagawa rin ito ng proyekto na tinatawag na “Operation Timbang” na tumagal ng limang taon. Hak hak hak! Marami talagang natulu-ngan si Marcos! Araguuyyy! He he he! Tiyak samu’t saring komento ang aabutin ko rito.
Sa totoo lang, marami pa sa atin ang umabot nitong nutribun sa eskuwela at kaing-kaing itong nirarasyon sa aming mga estudyante noong nag-aaral pa ako sa Alimodian Central Elementary School (ACES) sa Iloilo. Di ba Doc Glen Alonsabe Sir? Tuwing umaga ito pinamudmod sa amin at kapag inubos mo ito, tiyak maghapon kang di gugutumin. Kaya ang ginagawa ko noon, kalahati lang sa umaga at inuubos ko na sa hapon. Pagkatapos ng klase, kahit ilang oras ka pa maglaro, aba hindi ka nakakaramdam ng gutom. Get’s n’yo mga kosa? Saka, tandang-tanda ko pa na habang nagtitinda ako ng pandesal ni Ter Joening Sta. Cruz noong High School ako, tumutulong pa ako sa panadero sa paggawa ng Nutribun. Hak hak hak! Kahit mahirap ang buhay noon ang importante masaya ang lahat at walang masyadong may sakit, di ba mga kosa?
Sa pagkatanda ko, winalis ang Nutribun program noong 1980’s matapos matantiya ng gobyerno ni Marcos na bumaba na ang malnutrition problem ng bansa. Subalit ibinalik ito ni Teodoro at sa loob ng 120 days, ang mga kabataan ay titimbangin at ang kanilang performance sa eskuwela ay i-assess. Ang pondo sa Nutribun program ay galing sa Special Nutrition Fund ng siyudad. Hak hak hak! Eto ang tunay! Puro gawa, di puro ngawa! Abangan!

NUTRIBUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with