PR, advertising expert George Balagtas, 77
KINUHA na ni Lord ang public relations at advertising expert na si George M. Balagtas last Friday sa edad na 77.
Kilala sa tawag na GMB ng kanyang mga kaibigan, siya ay dating pangulo ng ilang advertising agencies, tulad ng Bozell Worldwide, Inc. at PACT/Public Affairs Communicators, Inc. at naging vice chairman ng McCann Erickson (Philippines), Inc.
Tumayo rin si George bilang managing director ng BBDO Colombo sa Sri Lanka, Grafik McCann Advertising Ltd. sa Indonesia, Reklamen-Hus McCann sa Norway at Grant Advertising Worldwide (Philippines), Inc.
Nagtrabaho rin siya bilang Advertising & Promotions Director ng Philippine Airlines Inc. at Account Supervisor ng J. Walter Thompson (Philippines), Inc.
Matapos ang mahabang karera sa advertising, pinasok ni Balagtas ang public relations, at itinatag ang kumpanyang GMB Public Relations. Nagsilbi rin siya bilang consultant sa ilang malalaking pangalan sa pulitika, tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada, chairman Danding Cojuangco at marami pang iba.
Nagtapos si Balagtas ng kursong Bachelor of Arts in Economics at Masters in Business Administration sa Ateneo de Manila University.
Nakaburol ang kanyang mga labi sa Center Chapel, St. Jerome Parish, Commerce Avenue, Alabang, Muntinlupa City. Maaaring dumalaw mula Aug 20-22 mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-dose ng hatinggabi.
Naulila niya ang asawang si Raquel; mga anak na sina Jet & Ria, Yuri & Amor, Gam-B & E.de, Rallee & Brittany; at mga apo na sina Joshua, Rapho, Phonso, Daniela, Julio, Kato, Santi, Gabby, Gino, Marz at apo sa tuhod na si Kalisi.
• • • • • •
PhilhHealth, watchout
Totoo kayang itinatago ng PhilHealth sa COA na huwag masilip ang mga records nila sa computer regarding sa P121 billion na ibinayad daw sa mga pasyente last year.
Naku ha !
Bakit kaya ?
Ano kaya ang itinatago ng Philhealth sa COA regarding sa computer records nila ?
Mukhang ayaw ipabusisi ng Philhealth sa COA ang mga ibinabayad sa mga doctors at hospitals tungkol sa mga nagpapagamot na mga pasyenteng members nila.
Bakit nga ba ?
Totoo kaya ito ?
Sabi nga, hindi biro ang perang pinaguusapan dito.
Ika nga, billion of pesos ang usaping ito.
Naku ha !
Ano ba ito ?
Totoo bang nagbayad daw ang Philhealth sa isang klinika para sa isang death patient ?
Totoo kaya ito ?
Ito ang dapat maimbestigahan para mabusisi o mahimay ito.
Alam ninyo bang maaring mawalan ng funding ang Philhealth sa mga susunod na taon tungkol sa mga scam na nangyayari dito ?
Ano sa palagay ninyo ?
Kaya dapag mabusisi ito at malaman ng madlang public kung ano ang talagang totoo.
Abangan.
- Latest