^

Punto Mo

Mga taong umaayaw kaagad sa laro

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LIMANG buwan na palang jobless sa Dubai ang isang OFW pero hindi alam ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas. Nalaman lamang ang tunay niyang kalagayan nang may isang kamag-anak na nakakita sa kanya na sa Dubai rin nagtatrabaho. Nang tanungin ang taong ito ng kanyang asawa kung bakit hindi niya ipinagtapat ang totoong kalagayan niya ay ganito ang sabi—nahihiya akong malaman ninyo na ako’y nabigo. Hindi na siya kailanman nag-abroad. Narito na lang siya sa Pilipinas at padampot-dampot na lang ang trabaho. Tubero kasi. Minsan may kliyente pero madalas ay wala.

May isa akong kakilala na bumagsak sa board exam para sa mga guro. Isang buwan siyang hindi umuuwi sa aming probinsiya. Nahihiya raw siya sa mga kakilala dahil hindi siya nakapasa sa board exam gayong well-known siyang matalino sa aming community. Hindi na siya kumuha ng board exam kahit kailan at nag-aplay ng trabaho dito sa Maynila. Hindi alam ng mga kamag-anak kung anong trabaho. Ang tsismis ay naging yaya ito ng anak ng artista. Nanghihinayang ang mga kamag-anak at isinuko na niya ang pangarap maging guro.

Isang multimillionaire sa Thailand ang nalugi sa negosyo. Daan-daang milyon ang kanyang naging utang. Sa halip na mahiya ay nagsimula siya ng isang bagong negosyo—ang pagtitinda ng sandwich. Mabuti na raw iyon kesa magutom. Dahil dito ay naging instant celebrity siya. Makikita siyang guest sa iba’t ibang programa sa telebisyon o kaya ay favorite siyang i-feature sa iba’t ibang diyaryo. Isa raw kasi siyang inspirasyon at pag-asa ng mga nabigo.

Minsan ay nainis na ang ama ng tuberong tambay kaya nagwika ito sa anak—Ang totoo  ay hindi dapat ikahiya ang kabiguan, ang mas nakakahiya ay hindi mo binigyan ng second chance ang iyong sarili na magsikap magtagumpay. Ngayon ka dapat mahiya dahil kalalaki mong tao ay wala kang hanapbuhay. ‘Yung asawa mo ang nagkakanda-kuba sa pagtitinda ng kung anu-ano para lang may makain kayo!

 

LARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with