Buwisit! Bakit?
HINDI birong kapalpakan at katatawanan ang experiment na ginagawa ng MMDA at LTFRB sa mga provincial buses dyan sa EDSA, kaya naman nagdulot ito ng grabeng traffic na ikina-buwisit ng madlang people na dumadaan dito.
Ika nga, both sides na ngayon ang traffic na nararanasan.
Mistulang ‘mega parking’ lot ang EDSA, dahil wala na itong pinipiling oras at halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan dito?
Luluwag lang ang EDSA kapag tulog na ang madlang people sa madaling araw? Hehehe!
Kawawa ang madlang workers at students oras dumaan sa EDSA dahil masyado na silang late kung dumating sa kanilang mga pupuntahan.
Kung hindi bawas sahod sa madlang workers tiyak absent na sila sa kanilang office.
Ano ba ito?
Nararanasan kapag pumasok sa umaga late at sa pag-uwi sa gabi late pa rin. Hehehe!
May sumasabotahe ba sa EDSA? Gusto ba talaga nilang ipilit ang ‘emergency power’ for traffic matter ni Boss Digong ?
Sa totoo lang puro kasi ‘drawing’ o plano itong MMDA officials?
Ika nga, puro satsat?
Pasalamat ang mga bright at may malakas na ulan at nagamit pa nila itong palusot sa madlang public. Hehehe!
Sana huwag na nilang pilitin na kaya nila ang kanilang trabaho dapat hangga’t maaga magbitiw na sila sa puwesto at ibigay sa mas may alam?
Naku ha!
Ano ba ito? Abangan.
• • • • • •
Security measures sa NAIA, hinangaan ng US-DHS
Tinanggal na ng US Department of Homeland Security ang kanilang security advisory sa NAIA na mahina ito.
Sabi nga, palpak!
Ang kautusan ng US - DHS ay inalis na nila matapos silang maglabas ng public notice last December 2018, na poor security ang NAIA.
Makaraan ang ilang buwan sa paghihimay at pagkakalkal ng US-DHS sa ipinatutupad na security measures ng pamunuan ng MIAA sa pangunguna ni MIAA general manager Ed Monreal sa NAIA umayon na rin ang una dahil nakita nila ang puspusan at malaking pagbabago sa seguridad sa airport.
Ika nga, hindi na palpak!
- Latest