^

Punto Mo

Hito sa Africa, pabaliktad kung lumangoy

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY isang uri ng hito (catfish) sa Congo, Africa ang kakaiba ang pamamaraan ng paglangoy --- pabaliktad! Ang hito ay matatagpuan sa mga ilog at lawa sa kagubatan ng Congo.

Sinasabing pabaliktad ang paglangoy ng mga hito dahil sa kanilang kinakain. Katulad ng ibang hito ay “surface feeders” ang mga ito o iyong ang pagkain ay mga nahuhulog sa pinakailalim ng dagat.

Nakabaliktad sila kung lumangoy dahil sa posisyong iyon ay mas madali nilang masasalo ang mga lumulubog na pagkain sa tubig.

Dahil sa kanilang kakaibang paraan ng paglangoy, marami ang gustong mag-alaga ng mga hito na ito sa kanilang mga aquarium.

Ayon sa mga eksperto, sa pag-aalaga ng mga hito na ito, kailangang hindi ito dapat isama sa mga isdang agresibo. Malaki ang tsansang pagkaisahan ng ibang isda ang mga hito dahil sa kanilang kapansin-pansin na pabaliktad na paglangoy.

Gusto rin daw ng mga hitong ito na maraming mapagtataguan dahil mahilig silang mamalagi sa pinakailalim na parte ng aquarium. Bukod sa mga paalalang ito, wala nang ibang kailangang alalahanin dahil sa kabuuan ay madaling alagaan ang mga hito na pabaliktad kung lumangoy.

HITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with