^

Punto Mo

Ang lihim na dasal ng ina

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG Pinay na nurse si Nancy na naninirahan sa Texas, USA. Isang araw ng September 2001, ipinaalam ng kanyang anak na si Jay, 25 years old na bumili raw ito ng plane ticket para pumunta sa Los Angeles California upang doon na manirahan kasama ang kanyang girlfriend na isang Italyana.

Ang girlfriend ay naninirahan sa L.A. Nagkakilala lang sila sa isang club nang ang babae ay nagbakasyon sa Texas. Sa loob ng isang buwan ay nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Tapos nalaman na lang ni Nancy na magli-live in na ang mga ito sa L.A. Naunang bumiyahe ang babae at may usapan ang magkasintahan na susunod na lang si Jay dahil may aasikasuhin pa ito.

Bukod sa hindi lubusang nakikilala ni Jay ang babae, ito ay 50 years old, isa nang lola na may limang apo. Kaya hindi alam ni Nancy kung bakit haling na haling ang anak nito sa estrangherang Italyana. Hindi maikakailang napakaganda nito at seksi kaya siguro nahumaling si Jay. Hindi matanggap ni Nancy na ang magiging manugang niya ay mas matanda sa kanya dahil 48 years old lang siya. Hindi siya mahilig manghusga, pero hindi maganda ang vibration niya sa babae nang ipakilala ito sa kanya. May nadadama siyang hindi maganda.

Noong ipinaalam ni Jay sa ina na may plane ticket na siya ay September 5. Nakatakdang lumipad si Jay ng September 12. Dasal nang dasal si Nancy na sana’y matauhan ang kanyang anak ay huwag nang tumuloy sa binabalak nitong pakikisama sa matandang Italyana.

Ayaw niyang ipahalata sa anak na tutol siya sa balak nito dahil lalo lang itong magrerebelde. Dinaan na lang niya sa panalangin ang lahat: “Diyos ko, hindi ko po alam ang aking gagawin. Ikaw na ang bahala sa kanya.”

Pagsapit ng September 11, 2001, naghuhumiyaw ang balita sa apat na sulok ng mundo kung ano ang trahedyang nangyari nang araw na iyon. Simula ng araw na iyon hanggang sa mga sumunod na araw, walang nakabiyaheng eroplano, grounded lahat.

Sa sobrang tagal ng paghihintay ng Italyanang girlfriend, nagpasiya na itong makipag-live-in sa ibang lalaki, sa kapwa niya Italian. Tapos nagpasyang manirahan sa France. Lingid sa kaalaman ni Jay, ang kanyang ina ay naglulundag sa tuwa sa loob ng kanyang bedroom sa sobrang tuwa. Nag-alay ito ng misa sa siyam na simbahang Katoliko. Nang magtagal, nakatagpo si Jay ng babaeng kasingtanda niya at nagpakasal sila. Masayang-masaya si Nancy dahil naging napakabuting asawa ito sa kanyang anak.

vuukle comment

PINAY NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with