^

Punto Mo

200-pound na sawa, nakatakdang maging pinakamalaki sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 200-pound na reticulated python sa isang zoo sa Florida na may habang higit 20 talampakan ang maaring lumaki pa at maging pinakamalaki sa buong mundo, ayon sa mga opisyal ng zoo.

Pinangalanang “Ginormica,” ang 6-year-old na sawa ay matatagpuan sa  Emerald Coast Zoo, kung saan pinakakain ito ng karne ng kambing at baboy ayon sa may-ari ng zoo na si Rick de Ridder.

Maaring si Ginormica na raw ang pinakamahabang sawa sa Florida ayon kay De Ridder. May posibilidad din daw na umabot ito sa edad na 75 years old.

Ayon sa Guinnes World Records website, hawak ng isang 25-talampakan at 2 pulgadang reticulated python na binansagang Medusa ang world record para sa pinakamahabang sawa na nasa pangangalaga ng tao.

Nakatakdang itampok ng zoo si Ginormica sa idaraos na selebrasyon para sa National Snake Day.

 

SAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with