^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangalan ng pulitiko alisin sa gov’t vehicle

Pang-masa
EDITORYAL - Pangalan ng pulitiko alisin sa gov’t vehicle

KAPANSIN-PANSIN ang mga sasakyang pag-aari ng gobyerno – ambulansiya, patrol car, barangay service vehicle at iba pa na nakalagay ang pangalan ng mayor o kaya’y ang barangay chairman. Karaniwan na itong makikita sa lansa-ngan ng Metro Manila at tila pinapayagan na ang ganitong hindi magandang sistema.

Hindi naman pag-aari ng mayor o maski barangay chairman ang ambulansiya o maski ang barangay service vehicle kaya hindi nararapat ilagay ang pangalan. Pera ng taumbayan na galing sa binayad nilang buwis ang ibinili ng ambulansiya at iba pang service vehicle kaya hindi dapat ilagay ang pangalan ng pulitiko roon. Nasaan ang kanilang delikadesa? Inaangkin nila ang bagay na taumbayan ang bumili. Mahiya naman sana ang mga pulitikong nandidilat ang pangalan sa sasakyan na ni isang sentimo ay wala silang inihati.

Dapat gayahin ng mga pulitiko ang kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na huwag ilagay ang pangalan niya sa mga gusali o anupamang establisimento at ganundin sa mga sasakyan. Mahigpit niyang ipinag-utos na alisin ang kanyang pangalan kahit saang lugar sa Maynila.

Noong Martes, ipinag-utos niya sa mga may-ari ng food trucks na nagsisilbi ng libreng hot meals na alisin ang kanyang pangalan at picture sa mga trucks. “Nakikiusap po ako sa nag-donate ng pagkain, na alisin ang retrato at pangalan ko sa truck. Nagpapasalamat ako sa nag-donate ng pagkain pero pakiusap po alisin ang pangalan ko at retrato,” sabi ni Isko makaraan ang flag ceremony sa Bonifacio Shrine na kanyang ipinalinis noong nakaraang linggo.

Maski si President Duterte ay ayaw ipalagay ang kanyang picture sa government offices at mga school. Pinatanggal niya ang mga ito. Hindi raw kailangang ibandera ang kanyang mukha sa mga tanggapan ng pamahalaan at eskuwelahan.

Kung ang Presidente at mayor sa Maynila ay ayaw ilagay ang kanyang retrato at pangalan sa mga pag-aari ng pamahalaan, dapat sundin ito ng iba pang pulitiko na matakaw sa publisidad. Huwag gamitin ang binili ng taumbayan para sa pansariling agenda.

BARANGAY SERVICE VEHICLE

PATROL CAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with