Ang pangarap ni Bunso
SI Bunso na lang na limang taon ang naiiwan sa bahay habang ang malalaki na niyang mga kapatid ay nasa school. Naobserbahan ni Bunso na laging abala ang kanyang Daddy at Mommy sa mga gawaing bahay kagaya ng pagwawalis, pagluluto at iba pang gawain kapag walang pasok ito sa trabaho.
Habang nakahiga sa bed silang tatlo, may sinabi si Bunso sa ama at ina.
“Mommy, paglaki ko, tatlo ang gusto kong maging asawa ko.”
“Bakit marami?”
“Para isa ang maglalaba ng aking damit, isa ang magluluto, isa ang magpapaligo sa akin. Marami kaming gagawa ng household chores.”
“E, sino ang itatabi mo sa iyong pagtulog?”
“Ikaw pa rin Mommy.”
“Awww, ang sweet mo naman anak,” sabay yakap sa anak.
“Kaya lang sino ang katabi sa pagtulog sa iyong mga asawa.”
Nag-isip si Bunso. “Oo nga ano, kawawa naman sila…ah, alam ko na, tatabihan sila ni Daddy!”
“He he he, okey lang sa akin ‘yun, anak. Ewan ko lang sa Mommy mo.”.
- Latest