^

Punto Mo

Ano ba ang karma?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HABANG nagkukuwentuhan sina Buddha ang kanyang mga disipulo, may isang nagtanong.

“Ano po ba ang karma?”

Ang sagot ni Buddha, “Makinig kayo at may ikukuwento ako sa inyo…”

Isang araw, naisipang magpanggap at magbihis ng isang pangkaraniwang mamamayan ang hari kasama ang kanyang ministro. Maglilibot sila sa nasasakupan ng hari upang makipagkuwentuhan sa mga tao. Unang nadaanan nila ay isang tindahan ng sandalwood. Naroon ang may-ari ng tindahan na halatang malungkot.

Masayang bumati ang hari sa shopkeeper. “Kumusta ang iyong negosyo?”

“Masama. Baka ako magsara sa nalalapit na araw. Ang mga taong pumapasok sa aking tindahan ay nakikiamoy lang ng aking tindang sandalwood, pupurihin ang quality nito pero hindi bumibili. Ang pag-asa ko lang ay mamatay na sana ang hari para maging mabenta ang aking tinda. Tiyak na maraming tao ang magsisindi ng sandalwood para sa kanyang last rites. Siyempre, nag-iisa lang akong negosyante ng sandalwood dito sa ating lugar kaya siguradong jackpot ako kapag nagkatotoo ‘yun.”

Pagdating sa palasyo ay nanggigigil ang hari at nagplanong ipapatay ang shopkeeper. Kinabukasan, lingid sa kaalaman ng hari, ay bumalik ang ministro sa tindahan at bumili  ng special na sandalwood.

Bumalik ang ministro sa palasyo bitbit ang sandalwood. Ibinigay niya ito sa hari, sabay sabing: “Mahal na Hari, may regalong ipinadala sa iyo ang shopkeeper.”

Ang sandalwood ay hindi lang ginagamit sa namatay na noble man kundi panregalo rin ito. Pagbukas ng hari sa sandalwood ay natuwa ito dahil mataas na uring kulay gintong sandalwood ang ibinigay sa kanya at nagtataglay ng mabangong amoy. Naisip ng hari na mali ang kanyang pagplano na patayin ang shopkeeper. Marahil ay nasabi lang iyon ng shopkeeper dahil sa sobrang kabiguan sa kanyang pagnenegosyo. Kumuha ang hari ng tatlong gold coins at iniabot ito sa ministro.

“Ibigay mo ito sa shopkeeper. Sabihin mo, regalo ko iyan sa kanya para pandagdag niya sa kanyang puhunan.

Matapos matanggap ng shopkeeper ang gold coins, nakadama ito ng hiya sa kanyang sarili kung bakit nag-wish siya ng masama sa hari na napakabuti pala ng kalooban. Ipinagkalat niya sa mga kakilala kung gaano kabuti ang kalooban ng hari. Nag-wish siya na sana ay humaba ang buhay nito para marami pang magawang kabutihan sa mga tao. Pinatotohanan ng kuwento na kung ano ang iniisip mo sa iyong kapwa, iyon ay babalik sa iyo.

Pagkatapos ng kuwentuhan, ang huling salita ni Buddha: “Your thoughts are your KARMA”.

BUDDHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with