^

Punto Mo

EDITORYAL - Nararapat, parusang kamatayan sa drug traffickers at rapists

Pang-masa
EDITORYAL - Nararapat, parusang kamatayan sa drug traffickers at rapists

HINDI tumitigil ang drug traffickers sa kanilang masamang gawain. Patuloy na ikinakalat ang illegal drugs. Kahit araw-araw ay may nahuhuling drug pushers ang mga pulis, wala pa ring kinasisinda­kan. Wala ring kinatatakutan ang mga dayuhang drug trafficker at patuloy na nagpapasok ng droga. Mas lalo pang tumindi ngayon sapagkat sa dagat na ibinabagsak ang droga at saka sasagipin ng mga kakutsabang mangingisda. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring palutang-lutang na cocaine sa karagatan ng Quezon hanggang Bicol at mayroon din sa Mindanao.

Ipinapanukala ang pagbitay o pag-firing squad sa plaza sa mga mahuhuling drug traffickers. Kung ito ang makabubuti at ikalulutas ng problema sa droga, bakit hindi. Kailangang may kasindakan ang drug traffickers lalo ang mga dayuhan. Kung may masasampolang dayuhang drug traffickers, tiyak matatakot na silang magpasok ng droga sa bansa.

Gayahin ang parusa sa China, Saudi Arabia, Indonesia na ini-execute sa publiko ang drug tra­ffickers. Walang pinatatawad sa mga bansang nabanggit at inilalapat ang parusa kahit umapela pa ang mga pinuno ng bansa para mapababa ang sentensiya. Sa Saudi Arabia, pinupugutan ng ulo sa plaza ang mga napapatunayang drug traffickers. Sa China at Indonesia, binibigti ang drug traffickers.

Ganito rin naman ang dapat iparusa sa mga mapapatunayang rapist. Sa kasalukuyan, palubha nang palubha ang mga nangyayaring panggagahasa at pagpatay. Karaniwan na lamang ngayon na pagkatapos gahasain    ang babae ay pinapatay pa. Hindi lamang sa Metro Manila nangyayari ang ganito kundi sa probinsiya man.

Gaya nang nangyari sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan kung saan pinatay at ginahasa pa ang 16-anyos na taga-kolekta ng abuloy sa simbahan. Pinagsasaksak ang biktimang si Christine Lee Silawan makaraang gahasain. Pero hindi pa roon natapos ang kahayupan ng killer sapagkat binalatan pa ang mukha ng kawawang dalaga. Naaresto na ang suspect at kasalukuyang nakakulong. Noong nakaraang Miyerkules, isang ginang ang pinasok sa bahay at ginahasa sa Cardona, Rizal. Pagkatapos gahasain, pinatay pa ang biktima. Naaresto na ang suspect na umaming nag-shabu siya bago isinagawa ang krimen.

Nararapat nang ibalik ang bitay para sa drug traffickers at rapists. Wala nang iba pang nakikitang solusyon kundi ang kamatayan. Kailangang matikman nila ito. Ngipin sa ngipin na ang nararapat.

DRUG TRAFFICKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with