^

Punto Mo

Halik

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG eksena ay sa isang silid sa ospital. Ang babae ay kagigising lang mula sa kanyang pagkakatulog dahil sa anaesthesia na itinurok sa kanya. Tinanggal ang tumor sa kanyang kanang pisngi kaya’t naapektuhan ang facial nerve. Lumubog ang kanyang kanang pisngi at  ngumiwi ang kanyang labi. Siguradong magugulat ang mga kaibigan niya  na nasanay sa mala-artista niyang ganda.

Kinuha ng babae sa kanyang bag ang bilog na mirror at itinapat sa kanyang mukha. Napahikbi ang babae…punung-puno ng pait. Maya-maya ay nagtanong sa kanyang doktor na naroon din sa kuwarto.

“Dok, mananatili bang ganito ang aking labi?”

Malungkot ngunit pilit na ngumiti ang doktor. “Yes, it will be. It is because the nerve was cut.”

Tumingin ang babae sa asawa. Parang nangungusap ang mata nito at nagtatanong, “Will you still love me, kahit pangit na ako?” Kahit walang namutawing salita mula sa babae ay tila nakuha iyon ng lalaki.

Hinalikan ng lalaki nang buong pagmamahal ang sinasabing natabinging labi ng asawa. Pagkatapos ay nakangiting nagsalita sa asawa: “Honey, walang nabago sa iyong mga labi, matamis pa rin at malambot. Hindi ako magsasawa kahit halikan ko ‘yan  sa bawat minuto.” At saka hinaplos ng lalaki nang buong pagmamahal ang mukhang may sugat ng kanyang asawa.

Napalunok ang doktor dahil naranasan na rin niya ang ganoong sitwasyon. Ang tunay na pagmamahal ay makonsiderasyon at mapang-unawa. Gagawin niya ang lahat upang hindi madurog ang pag-asa at tiwala sa sarili ng minamahal dahil sa isang malungkot na pangyayari.

Ang doktor ay may asawang nabulag limang taon na ang nakararaan dahil sa komplikasyon sa diabetes. Simula nang maging mag-asawa sila ay nakaugalian na nilang manood ng sine sa mall linggo-linggo. Walang patlang iyon kahit nauso na ang DVD. Iba pa rin daw ang experience kapag lumalabas ng bahay at pinapanood ang paborito nilang artista sa isang sinehang maraming tao habang kumakain ng popcorn. Ayon sa misis ng doktor, nakakalimutan niyang bulag siya tuwing nasa loob sila ng sinehan dahil sa importansiya at pagmamahal na ibinibigay ng kanyang mabait na asawa.

“One word frees us of all the weight and pain in life. That word is love.”  Sophocles

HALIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with