^

Punto Mo

Palaboy sa lansangan, panganib sa daan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa 20 mga palaboy sa EDSA ang pinagdadampot na ng mga tauhan ng MMDA noong nakaraang linggo .

Ito ang mga perwisyo sa EDSA na matagal nang inirereklamo ng maraming motorista.

Matagal nang naglulungga at doon na yata nakatira ang mga ito na nagpapalipat-lipat lamang ng lugar sa center island ng EDSA  partikular sa ilalim ng riles o istasyon  ng MRT.

Harapan ang pagtira ng mga solvent at kung anu-ano  pa na lubhang mapanganib at banta sa maraming dumadaan sa EDSA.

Marami na rin ang nagsumbong tungkol dito, na ayon naman sa MMDA ay kanilang inooperate pero nagpapabalik-balik.

Eh ‘di kung nagpapabalik-balik, dapat walang humpay ang pagbabantay.

Nag-viral ang kuha sa dash cam ng isang motorista kung paano siya hinarang ng isang lalaki sa  may Ortigas sa EDSA.

Nanghihingi ng pera at nagbabanta na babatuhin ang sasakyan. Nung tangka nang magbibigay ang motorista ayaw pa ng barya ng kumag, gusto pa ay palakihan at nang ipagsara ito ng bintana at ipitin ang kamay doon na ginasgasan ng bato ang sasakyan ng kawawang motorista.

Hindi lang pala siya ang nabiktima ng mga sandaling iyon, kasi matapos niya itong takasan may panibagong motorista na nagreklamo dahil ganun din ang ginawa sa kanya.

Perwisyo talaga ang mga yan, banta at panganib sa mga dumaraan. Dapat alam ng mga awtoridad na diyan na sa center island na nagbabahay ang mga ‘yan at hindi lang sa kahabaan o bahagi ng EDSA kundi maging sa iba pang pangunahing lansangan.
Iyan na yata ang modus ng mga ‘yan, manakot at mangikil.
Hindi nga ba’t sa kahabaan din ng C-5 sa Taguig ay may nambabato diyan ng mga sasakyan, sa may Quezon Avenue sa QC ay may naghuhulog ng bato mula sa itaas sa mga sasakyang dumaraan sa tunnel.
Sa Maynila, sa dako ng Luneta at Finance Road, may mga solvent boys at palaboy din diyan na ganyan ang gawi. Hihintayin mag-stop ang  stop light at lalapit sa mga naka-stop na behikulo, kakatukin at tatakutin para sila ay bigyan.
Eh talagang sa itsura pa lang na tila wala na sa mga sarili dahil sa kakasinghot, eh talagang matatakot ka.
Dapat tumulong na rin dito, ang mga lokal na pamahalaan para masawata ang mga ganito na desperadong makakulimbat ng pera sa iba para masustinahan ang kanilang bisyo.

DAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with