^

Punto Mo

EDITORYAL - Kulang ang mga babala sa kalsada

Pang-masa
EDITORYAL - Kulang ang mga babala sa kalsada

NOONG Linggo ng umaga, marami ang nagulat nang makita ang isang ten-wheeler truck na nahulog sa isang malaking butas sa kalsada. Nangyari ang freak accident sa Remedios Street malapit sa Raja Sulayman Park sa Malate, Maynila, at ilang metro ang layo sa Roxas Blvd.

Sino ang mag-aakala na maaari palang mahulog ang sasakyan sa isang butas na nasa gitna ng kalsada. Nakapagtataka ito pero totoong nangyari. Maski ang driver ng truck ay hindi inaasahang mahuhulog ang minamanehong sasakyan sa kalsada. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa pagkakahulog ng sasakyan na may kargang 40 toneladang buhangin.

Ayon sa driver ng truck, talagang sa Roxas Blvd. siya dadaan para ideliber ang buhangin pero hinarang siya ng traffic enforcers sapagkat may gaganaping marathon sa nasabing kalsada kaya na-divert siya sa Remedios Street at doon nga siya nahulog.

Hindi raw niya alam ang portion ng kalyeng tinahak ay hindi kaya ang dala niyang buhangin. Ayon sa DPWH, 20 tonelada lamang ang kaya ng kalsada sapagkat walang suporta sa mga culvert na nasa ilalim.

Inabot ng ilang oras, bago naalis ang truck sa kinahulugang hukay. Kailangang gumamit ng heavy equipment crane para maiangat ito sa hukay. Hindi na nalaman kung may kahaharaping kaso ang truck driver.

Pero naiwasan sana ang insidenteng iyon kung may sapat na mga babala o road signs sa lugar. Kung may babala, hindi na sana dumaan doon ang truck. Pagkukulang ito ng DPWH o LTO.

Hindi naman talaga dapat magkulang sa pagla­lagay ng babala sa kalsada sapagkat may pondo para rito. Sa kinokolektang motor vehicle user’s charge (MVUC) mula motorista taun-taon.

Para saan pa ang pondo kung walang makikitang babala o road signs.

Bilyong piso ang nakokolekta sa MVUC. Noong nakaraang taon, binuwag na ang Road Board na humahawak ng pondo kaya nakakasigurong wala nang anomalya. Sana ay magamit ito sa paglalagay ng road signs at iba pang babala para hindi mapahamak ang mga motorista.

 

KALSADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with