^

Punto Mo

Alamat ng lahing ‘White’?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SINA Adan at Eva pala ay mga negro. Kaya nang ipanganak nila sina Cain at Abel ay nakuha nila ang kulay ng kanilang magulang. Kagaya ng alam ng marami, salbahe si Cain, samantalang napakabait na anak si Abel.

Walang araw na hindi niya inaaway si Abel lalo na kung napupuri ito ni Adan dahil sa pagiging masunurin. Isang araw ay nadatnan ni Adan na binubugbog ni Cain si Abel. Upang hindi mapagalitan ay nagtatakbo sa bukid si Cain at doon kinausap ang mga puno upang isiwalat niya ang sama ng loob sa ama at kapatid.

“Galit ako kay Abel dahil siya lagi ang kinakampihan ni Ama. Lagi na lang ako! Ako ang masama! Ako ang tamad! Ako ang nang-aaway! Pati ang Diyos ay si Abel din ang paborito. Si Abel lagi ang kinakausap Niya kapag wala si Ama. Kahit kailan ay hindi ako kinakausap ng Diyos!”

Patuloy sa pagmomonolog si Cain nang mula sa kanyang likuran ay may nagsalita.

“Cain nasaan ang iyong kapatid?”

Naisip ni Cain ay ama ang nagtatanong sa kanya. Upang maipakita ang hinanakit dito ay sumagot siya nang hindi lumilingon sa kanyang likuran.

“Bakit tanungan ba ako ng mga nawawalang “kalabaw”?”

Nagalit ang nagtanong sa kabastusan ni Cain kaya biglang dumagundong ang boses na may kasamang malakas na kulog.

“Huwag kang bastos! Humarap ka sa akin at sagutin ako nang maayos?”

Paglingon ni Cain ay nakita niya ang nagmamay-ari ng boses sa likuran. Walang iba kundi ang Panginoong Diyos. Halos himatayin siya sa takot kaya sa sobrang pamumutla ay bigla siyang pumuti.

Kaya simula ngayon ay alam na ninyo kung anong klaseng lahi ang pinagmulan ng mga “White”!

Imbento lang po ang kuwentong ito ng OFWs na nakaranas ng masamang pagtrato mula sa kanilang employer na “White”.

                 

WHITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with