^

Punto Mo

10 dahilan kung bakit nahihirapan kang makatulog sa gabi

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Marami kang iniisip

Huwag mag-isip ng problema habang nagpapaantok o habang nakahiga at matutulog na. Kung mag-iisip ng kung anu-ano, gawin na ito ng mas maaga kaysa  oras ng iyong pagtulog.

2. Sobra ang tulog sa umaga

Kung magsisiyesta sa hapon, siguraduhing ang iyong tulog ay hindi lalampas ng 30 minuto. Kung sosobra pa dito, mahihirapan ka nang dalawin ng antok sa gabi.

3. Malakas humilik ang asawa

Ang katumbas ng isang malakas na hilik ay ingay ng blender. Kahit pa sabihing nakakatulog ka pa rin, nagigising ka pa rin sa pagitan ng iyong pagtulog. Mas healthy kung ang tulog ay tuluy-tuloy kaysa payugto-yugto.

Payuhan ang asawa na humiga nang patagilid. Nakatulong ito para manahimik ang isang naghihilik. Kung wa-epek pa rin, maglagay na lang ng earplug bago matulog.

4. Nagkakaroon ng pagbabago sa “hormones”

Nangyayari ito bago dumating ang menstruation o habang may menstruation. Dahil sa fluctuating levels ng estrogen at progesterone, apektado pati ang pagtulog. Makakatulong ang warm bath ilang oras bago matulog. Iwasan ang caffeine at alcohol tatlong oras bago matulog.

5. Kumukulong tiyan

Kumukulo dahil sa gutom at ang gutom ay hindi nakakapagpatulog. Kung nagda-diet ka, nilagang itlog ang kainin. Mababa lang ang calorie ng itlog pero rich in protein. Mas matagal magutom kung pagkaing rich in protein ang kakainin kaysa carbohydrates at fat. (Itutuloy)

GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with