^

Punto Mo

EDITORYAL - Hustisya sa hazing victim

Pang-masa
EDITORYAL - Hustisya sa hazing victim

HINATULAN na ang isa sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na naging dahilan sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo noong Setyembre 2017 dahil sa hazing. Apat na taong pagkakulong ang inihatol ng korte kay John Paul Solano dahil sa obstruction of justice. Si Solano ang nagdala sa ospital kay Castillo pero idineklarang patay na ito. Una nang sinabi ni Solano na nakita niya sa isang kalye sa Tondo si Castillo pero iyon ay sa utos umano ng mga nakatataas na miyembro.

Si Solano pa lamang ang nahahatulan sa madugong hazing. Ang iba pang miyembro ng Aegis ay kasalukuyang nakakulong sa Manila City Jail at nagpapatuloy ang pagdinig. Natuwa naman ang mga magulang ni Atio sa pagkakahatol kay Solano sapagkat ayon sa kanila, hindi lamang ito para sa kanilang anak kundi sa iba pang biktima ng madugong hazing.

Naniniwala sila na ang pag-usad ng kaso laban sa mga sangkot ay magiging daan para tuluyan nang mawala ang mga nangyayaring hazing sa fraternity. Hindi umano sila titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak na noon ay first year law student sa University of Santo Tomas.

Makabagbag-damdamin ang tagpo nang malaman nila ang nangyari sa kanilang anak na pinabayaang mamatay makaraang maghirap sa kamay ng mga itinuring na “kapatid”. Wala man lang umanong nagdala sa ospital gayung maaari pa itong maisalba. Nakadudurog ng puso ang pag-iyak ng mag-asawa nang makita ang walang buhay na anak.

Ang pagkakahatol sa unang miyembro ng Aegis ay magandang simula para makamtan ang lubusang hustisya. Mayroon nang batayan para lalong madiin ang iba pang miyembro na responsible sa pagkamatay ni Atio. Wala nang mailulusot pa sapagkat mayroon nang na-convict na miyembro. Unti-unti, matitikman na ang inaasam na hustisya.

AEGIS JURIS FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with