^

Punto Mo

Pinabayaan lang!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

POSTPONED ang meeting ni Boss Digong at Junel Insigne, ang boat captain na pinalubog ng Chinese fishing vessel last June 9.

Bakit?

May special Cabinet meeting yesterday kaya pinagpaliban ang pulong-pulungan sa pagitan nina Boss Digong, Insigne at Richard Blaza ang kusinero ng F/B Gem-Ver.

Masalimuot ang nangyari walang nagsasalita ng hindi maganda sa parte ng gobierno pero sa mga kritiko ni Boss Digong ang daming bumabatikos.

Ang hindi natin matanggap matapos banggain ng Chinese fishing vessel at sasakyang pandagat ng madlang Pinoy ay iniwan nila itong parang basura sa laot.

Buti na lang at hindi sila nalunod?

Isang Vietnamese vessel ang nagligtas sa madlang mangingisdang palutang-lutang at halos sumasamang nagsasayaw sa alon.

Malaking pasasalamat kay Lord at may sumagip sa kanila.

Hindi agad nagsalita si Boss Digong sa pangyayari kung bakit iyan ang hindi natin alam.

Siguro dahil sa relasyon ng China at Philippines my Philippines kaya ganoon?

Tuloy ang mga kritiko nito banat dito, banat doon. Hehehe!

Sa parte ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang, sinabi nito na ang incident ay isang ‘ordinary maritime traffic accident.’

Kaso ang masama nga iniwan ang mangingisdang Pinoy habang lumulubog sa dagat ang kanilang sasakyan dito ipinapakita ang kapalpakan ng mga crews ng Chinese fishing vessel.

Ano ngayon sa palagay mo ang dapat mangyari ?

Aba, ang gobierno dapat ang magdesisyon dito at ayusin ang mga biktima dahil sa nangyari sa kanila.

Ika nga, isang karumaldumal na krimen ito kung may namatay sa kanila ? 

Buti na lamang at wala!

• • • • • •

Si Neptali Morada

Nahaharap daw ngayon ang mamamayang Bikolano sa sinasabing pinakamabagsik na hagupit ng berdugo at pasistang estado. 

Bakit?

Isa na namang sibilyan ang walang-awang pinaslang ng mga ahente ng estado kahapon ng umaga sa San Isidro, Naga City.

Naku ha!

Bakit? 

Ang biktima ay si Neptali Morada, dating campaign committee head ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Bikol at kasapi ng Students Christian Movement in the Khilippines (SCMP), ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang staff ng dating Bise Gubernador ng Camarines Sur na si Ato Pena.

Ang pagpaslang kay Morada ay naganap dalawang araw lamang matapos ang karumal-dumal na pagpatay kina Nelly Bagasala at Ryan Hubilla, kapwa kasapi ng KARAPATAN. 

Sa loob din ng linggong ito, tinortyur at pinatay ang hors de combat na si Edwin ‘Ka Dupax’ Dematera ng mga militar na nakahuli sa kanya. Hindi pa natatapos ang pagluluksa ng Kabikulan sa sunud-sunod na pagkawala ng mga buhay ay nadagdagan na ng isa na namang bagong kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa rehiyon.

Pinutol natin isinulat sa atin dahil kapos ang kolum ng QUESEJODA!

JUNEL INSIGNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with