^

Punto Mo

Insurance company, may karapatang maghabol para sa sinagot nilang pinsala

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Aksidenteng nasagi po ng motorsiklo ko ang isang nakaparadang kotse malapit sa bahay namin. Nagkausap kami ng may-ari na kaibigan ko rin naman at nagsabi na hindi na siya magrereklamo dahil may insurance naman ang sasakyan.

Ang akala ko po, ayos na kami kaya laking gulat ko nang makatanggap ako ng demand letter mula sa isang insurance company na sinisingil ako para sa ginastos nila ukol sa pinsalang idinulot ng pagkakasagi ng aking motorsiklo.

Tama po ba na hinahabol pa rin ako ng insurance company gayong nagkaayos na naman kami ng mismong may-ari ng sasakyan?

Michael

Dear Michael,

Mula sa pagkakalahad mo, mukhang aminado ka namang kasalanan mo ang pagkakasagi ng iyong motorsiklo sa nakaparadang sasakyan. Kung ganoon nga ang nangyari, may karapatan ang may-ari ng sasakyan na habulin ka. Pumayag lamang siyang hindi ka na singilin o magsampa ng reklamo sa’yo dahil ayaw na niya sigurong magkaroon ng alitan sa pagitan n’yo lalo na’t mayroon namang insurance ang kanyang sasakyan at ang insurance company na lamang ang kanyang pagbabayarin para sa pinsala.

Hindi naman ibig sabihin nito, hindi ka na mananagot sa pinsalang idinulot mo. Sa ilalim kasi ng Article 2207 ng Civil Code, papalitan lamang sa puwesto ng insurance company ang may ari ng ari-arian na covered ng insurance sakaling sagutin nila ang pinsala. Ibig sabihin nito ay ang insurance company na ang may karapatan na maghabol sa mga kailangang managot sa pinsalang tinamo ng insured na ari-arian.

Kung ang insurance company na nga ang sumagot sa pinsalang idinulot ng pagkakasagi ng motorsiklo mo, may karapatan talaga silang singilin ka para sa nagastos nila. Sa halip na ang may-ari, ang insurance company na ang hahabol sa iyo at may karapatan silang magsampa ng reklamo sakaling hindi mo tugunan ang demand letter na ipinadala sa iyo.

vuukle comment

PINSALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with